• Home
  • Fresh Scoops
  • Apple Chiu, positibo sa kanyang panibagong laban bilang TNT Resbaker

Apple Chiu, positibo sa kanyang panibagong laban bilang TNT Resbaker

Unang nakilala si Apple Chiu sa mundo ng showbiz bilang isa sa mga kalahok ng ‘Philippine Idol.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2019 1:51 PM
Apple Chiu, positibo sa kanyang panibagong laban bilang TNT Resbaker


Handang handa na ang TV host-singer na si Apple Chiu para muling dumepensa sa golden mikropono sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Si Apple Chiu ay isa sa mga celebrity contestants ng Tawag ng Tanghalan, kung saan nagwagi ang singer comedian na si Ethel Booba sa una nitong season.


READ:Ethel Booba wins ‘Tawag ng Tanghalan’ 

Ayon kay Apple, espesyal para sa kanya ang pagiging bahagi niya sa Tawag ng Tanghalan at mahanay bilang isa sa mga grand finalist ng kompetisyon.

“Feeling ko kasi ‘yung unang salang ko ng TNT, parang mas na pressure ako e’, kasi ‘yun ‘yung 4-years ako na hindi kumakanta. And nagkataon naman na after ko sa ibang trabaho ko, dumating ang offer ng TNT,” aniya sa naging panayam ng PUSH

“Siguro kasi matagal ko na siyang ginagawa and doon talaga ako nagsimula, so parang naging natural na ulit siya sa akin, parang bumalik na lang ulit ang super powers ko,” aniya pa. 

Dahil pansamantalang natigil sa pagiging singer, aminado rin si Apple na labis niyang na-miss ang pagkanta. 

 

 

“Na-miss ko siya ng sobra, kasi dumating na ako sa point na hindi na ata alam ng tao na singer ako?” sabi ni Apple.

“Super happy ako sa opportunity, na nabigyan ako ng chance ulit na maka-kanta na mayroon pa pala akong ibubuga and nakarating ako ng finals nang ‘di rin basta-basta ang nakalaban ko,” tugon pa niya.

At ngayong nagbabalik sa entablado ng Tawag ng Tanghalan, handa na si Apple sa kanyang magiging laban para sa kompetisyon.

“More on Tagalog song naman ang ipinasa ko, dapat ‘yung mga familiar na tayo,” sabi pa ni Apple.

Sa pagkakataon naman na ibinigay sa kanya ng Tawag ng Tanghalan, nais rin ni Apple na maging daan ito para muling ibahagi ang kanyang talento sa pagkanta.

“Ngayon... mas I-try ko na maging mas visible na ngayon sa music scene so hopefully by next year, makagawa ako ng single,” pahayag pa niya. 

 

Bukod sa pagiging bahagi ng TNT, isa rin aktibong TV host at radio DJ si Apple.