• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharlene San Pedro, nais tuldukan ang isyu sa kanila ni Alexa Ilacad

Sharlene San Pedro, nais tuldukan ang isyu sa kanila ni Alexa Ilacad

Aminado si Sharlene San Pedro na nagtaka siya sa biglaang di pagpansin at pagkibo sa kanya ng kaibigang si Alexa Ilacad.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/17/2019 2:59 PM
Sharlene San Pedro,  nais tuldukan ang isyu sa kanila ni Alexa Ilacad


Photo credit: @alexailacad and @sharlenesanpedro1 on Instagram

Kasunod nang mga binitawan na salita ng aktres na si Alexa Ilacad kay Sharlene San Pedro, nagbigay pahayag ang Kapamilya actress sa tila samaan nila ng loob ng kaibigan.

Sa naganap na Your Moment digital conference, sinabi ni Sharlene na hindi niya alam na ganito pala ang problema sa kanila ni Alexa.

“Para po sa akin, if she really thought we were friends, sana lumapit siya sa akin, sana kinlaro niya po sa akin,” paliwanag ni Sharlene. 

Close kasi si Sharlene at ex-boyfriend ni Alexa na si Nash Aguas, na kasabay niya ang career simula pagkabata dahil sa Star Circle Quest at Goin' Bulilit

“I approached her many times, kung bibilangin, tatlong beses ko siyang in-approach pero di pa siya ready to make amends,” ani pa ng dating child star.

“Ang alam ko kaya siya nagtatampo sa akin kasi lagi kong kasama si Nash at lagi kong kausap si Nash. Noong naghiwalay sila, si Nash ay laging tumatawag sa akin. Alam mo naman ‘yung kaibigan mong broken-hearted, ‘pag ganun ay kailangan ng kausap.”

Naniniwala rin si Sharlene na nagkaroon lang ng tila hindi pagkakaunaawan sa kanila ni Alexa.

“Kaibigan naman po kasi talaga, may history, may pinagsamahan, naging magkaibigan sa ‘Goin Bulilit’, So parang nagulat lang ako na, ‘Ay, kaya pala hindi ako pinapansin nito kasi ito ‘yung isyu niya sa akin,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, umaasa si Sharlene na magkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap ni Alexa at tuldukan ang kanilang hindi naging pagkakaintindihan.