• Home
  • Fresh Scoops
  • Magulang ni Janella Salvador, aprubado na ang relasyon kay Markus Paterson

Magulang ni Janella Salvador, aprubado na ang relasyon kay Markus Paterson

Ipinaliwanag rin ni Janella Salvador ang hassle-free relasyon nila ng kanyang special someone na si Markus Paterson.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/17/2019 12:00 PM
Magulang ni Janella Salvador, aprubado na ang relasyon kay Markus Paterson


Photo credit: @superjanella and @markus on Instagram

Blooming at bakas ang ningning ngayon sa mga mata ng Kapamilya star na si Janella Salvador nang kamustahin ang kanyang buhay pag-ibig.

Kuwento ni Janella, masaya siya ngayon sa estado ng pagmamabutihan ngayon nang napabalitang nobyo ng aktres na si Markus Patterson.

 

Read:Janella Salvador, ibinahagi ang estado ng kanyang puso ngayon

 

“Masaya. Of course, I’m happy,” sabi pa ni Janella sa panayam.

 “Oo napapasaya naman niya ako, pero I just don’t want to share a lot, basta alam niyo na ‘yun pag nakita niyo kami sa labas,” aniya pa.

Dito, inamin rin ni Janella ang dahilan nang kanyang pagiging mas-open sa kanyang buhay pag-ibig.

“Siguro noong time na ‘yun mas careful ako kasi fresh pa. Pero ngayon marami na rin akong napagdaanan from that moment and marami na ako natutunan talagang fully recovered na kaming lahat,” paliwanag ni Janella.

Masaya rin daw si Janella na kilala na nang kanyang pamilya si Markus. “Na meet na, na meet na nang Dad ko [Juan Miguel Salvador],” aniya pa, kilala na rin daw ito nang kanyang ina na si Janine Desiderio. “Okay naman, actually wala akong problema ngayon pagdating doon (love life).”

Read:Markus Paterson spotted at birthday celebration of Janella Salvador’s father

At kung tatanungin naman kung ano ang rason kung bakit siya napapasaya ni Markus, sagot ni Janella: “Reason? Hindi naman kailangan ng reason basta mapi-feel mo naman,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, napapanood si Janella sa The Killer Bride at bida rin sa pelikulang The Heiress kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano.