• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Magkahawak kami ng kamay’: Kyle Echarri at Francine Diaz, may kakaibang paraan ng paghahanda sa mga eksena

‘Magkahawak kami ng kamay’: Kyle Echarri at Francine Diaz, may kakaibang paraan ng paghahanda sa mga eksena

Ibinahagi ng love team na KyCine ang kakaibang paghahanda nila sa mga eksena sa bago nilang digital movie na ‘Silly Red Shoes.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/17/2019 12:26 PM
‘Magkahawak kami ng kamay’: Kyle Echarri at Francine Diaz, may kakaibang paraan ng paghahanda sa mga eksena


Sa naganap na media conference nitong Miyerkules, November 13, para sa kanilang kauna-unahang digital movie na pagbibidahan na Silly Red Shoes, ikinuwento ng loveteam na KyCine o Kyle Echarri at Francine Diaz ang kakaibang paraan nila sa paghahanda sa mga eksena.

Ayon kay Kyle, may isang beses na kahit wala siya sa set at eksenang ginagawa ay sinadya niyang puntahan si Francine para tulungan ito sa eksena.

"Mayroon pong isang eksena na nahihirapan siyang umiyak. Tapos kahit wala ako sa set, at sa eksena na 'yon, pumunta po talaga ako sa set para tulungan ko siya. Gano'n po yung bond namin doon," kuwento ni Kyle sa press.

Lalo pang nagpakilig sa harap ng press sila Kyle at Francine nang ikuwento nila ang proseso nila sa paghahanda sa karakter.

"Parang magkahawak [kami] ng kamay, mukhang nagpe-pray. Tapos, ginagawa lang namin, pinaparamdam namin sa isa't-isa yung emotions, yung characters," kuwento ni Kyle.

Paliwanag rin ni Francine, isa itong technique na natutunan niya mula sa mga kapwa aktor sa Kadenang Ginto. "Nakita ko po yun kila ate Dimps (Dimples Romana), ate Beauty (Gonzalez), kay Tito A (Albert Martinez), tapos ginagawa rin namin ni Blythe (Andrea Brillantes) sa Kadenang Ginto ang effective din po," sabi ni Francine.

ReadTeam Silly vs Team Wild: Alin sa dalawang pelikula ng The Gold Squad ang unang ipapalabas?

Samantala, sa parehong interview din natatawang inamin ni Francine na naiilang siya sa unang eksenang kailangan ipakita at ipahawak ang kaniyang mga paa.

"Ako po malakas talaga ang kiliti ko talaga sa paa, pero siyempre kailangan kong pigilan yun sa mga eksena... Nakakahiya kasi hindi pa ako nagka-cut ng nails yun e," natatawang kuwento ni Francine.

Panoorin ang buong trailer dito:

Kasama ang Wild Little Love na pinagbibidahan naman ng SethDrea o Seth Fedelin at Andrea Brillantes sa back-to-back offering ito ng iWant, para sa ka-isang taon nito. Malalaman ang eksaktong araw ng pagpapalabas ng dalawang pelikula sa November 22, pagkatapos ng Facebook poll na sinimulan ng Dreamscape Entertainment.