• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, sinabing minsan nang nag-resign si Ion Perez sa It’s Showtime

Vice Ganda, sinabing minsan nang nag-resign si Ion Perez sa It’s Showtime

Naging emosyonal sina Ion Perez at Vice Ganda nang makatanggap ng award si Ion sa unang pagkakataon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/16/2019 10:31 AM
Vice Ganda, sinabing minsan nang nag-resign si Ion Perez sa It’s Showtime


Grateful at hindi makapaniwala ang It’s Showtime mainstay na si Ion Perez sa pagtanggap niya ng kauna-unahang niyang award na 'Breakthrough Artist of the Year’ mula sa LionHearTV’s RAWR Awards kung kaya naman ay hindi nito napigilang maging emosyonal. 

Sa ‘Showtime’ kahapon, Biyernes, sinabi ni Ion, “Ni sa panaginip, ni sa guni-guni, hindi ko po naisip na mabibigyan ako ng ganito [trophy]. Kaya, Nay, ‘yung kasama mong nagtitinda ng kakanin may award na.” Aniya, hindi niya raw lubos maisip na magkakaroon siya ng ganitong parangal. 

Maging ang partner ni Ion na si Vice Ganda ay naging emosyonal. Ani Vice, minsan nang sinubukang mag-resign ni Ion mula sa noontime show. 

“Si Ion po ay minsan nang nag-resign dito sa ‘Showtime’ dahil sa sobrang bashing na inaabot niya. Hindi niya kaya. Umiiyak siya lagi sa nanay niya. Sabi niya, magtitinda na lang daw siya ulit ng kakanin sa Tarlac, kaya niya naman daw. Magbabantay na lang daw siya sa palengke.” 

Buti na lamang ay kinausap daw ito ng ‘Showtime’ direktor Bobet Vidanes kung kaya tinigil niya ang ginagawa. 

Dagdag pa ni Vice, “Simple lang ‘yung ginagawa mo, Ion, pero ang dami mong napapangiti every day.”

Dito, nagpasalamat pa uli si Ion sa mga taga-suporta.