• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz, nagbigay update kay Diego Loyzaga: ‘Andito lang kami to support him’

Sunshine Cruz, nagbigay update kay Diego Loyzaga: ‘Andito lang kami to support him’

Sinabi ni Sunshine Cruz na madalas magkita si Diego at ang kanyang mga kapatid sa bahay nila.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/16/2019 11:10 AM
Sunshine Cruz, nagbigay update kay Diego Loyzaga: ‘Andito lang kami to support him’


Kasunod nang naging special birthday celebration ni Teresa Loyzaga kasama ang anak na si Diego Loyzaga sa isang animal shelter, nagbigay update ang aktres na si Sunshine Cruz sa kasalukuyan na kalagayan ngayon ni Diego matapos ang mahabang break nito sa showbiz.

LOOK: Diego Loyzaga joins mom at an animal shelter to celebrate her birthday

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Missed you 3 so much! See you more often please. I Love yous 😘

A post shared by Diego (@diegoloyzaga) on

 

“Yes he visits my kids, may time na almost everyday, every week andoon siya sa house with my children,” sabi pa ni Sunshine sa press.

Aniya, walang nagbago kay Diego at nanatili pa rin ang pagiging mabuting bata nito at Kuya sa kanyang mga nakababatang kapatid.

“I respect their privacy, ayaw nilang ilabas ang mga photos, ang bonding nila with kids. Natuwa nga ako mayroon siya kasama niya si Tong, napakabait na bata niyan,” ani aktres.

At bilang pangalawang ina kay Diego, nanatili pa rin na buo ang suporta ni Sunshine kung sakali na magbalik ito ng showbiz.

“Kung ano man ang balak niya, ang plano niya sa buhay, andito lang kami bilang tita Shine niya at mga kapatid niya na mahal na mahal siya, andito lang kami to support him, lagi naman,” pahayag ni Sunshine.

Sa ngayon, mas pribado sa kanyang mga social media post ang aktor na huling napanood sa Kapamilya series na “Los Bastardos.”