• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricel Soriano may shoutout sa mga baguhang artista: ‘Tularan nila yung attitude ni Piolo’

Maricel Soriano may shoutout sa mga baguhang artista: ‘Tularan nila yung attitude ni Piolo’

Maraming humanga sa pagiging propesyonal ni Piolo Pascual sa set.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/16/2019 11:03 AM
Maricel Soriano may shoutout sa mga baguhang artista: ‘Tularan nila yung attitude ni Piolo’


Isang napakagandang halimbawa para tularan ng mga baguhang artista ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual pagdating sa pagiging professional sa trabaho at kung paano ang tamang pag-uugali sa showbiz. No wonder why he is still on top kahit pa ilang dekada na siya sa industriya.

Sa latest interview namin kay Joem Bascon during the promo of The Annulment ay isa rin si Piolo sa siningle out niyang aktor na talaga raw kahanga-hanga ang ugali bukod pa sa galing sa pag-arte.

Ganito rin ang saloobin ng The Heiress lead star na si Maricel Soriano nung humarap siya sa entertainment para sa presscon ng kanilang pelikula nina Sunshine Cruz, McCoy de Leon, at Janella Salvador.

Ayon kay Marya, nakasama niya si Piolo sa pelikulang Mila at doon niya nakita ang ugali nito at pagiging seryoso sa trabaho.

Wika ng aktres, “Alam mo, ang palaging ginagawa kong ehemplo pagdating sa ganito, si Papa P. (Piolo) Si Piolo kasi, noong ginawa ko yung Mila, alam mo, napaka-professional and very punctual.”

Palagi din daw niyang nakikita ang aktor na binabasa ang hawak na script at nagmememorya ng linya.

“He’s always on the set na nagbabasa ng script. Dala-dala niya yung unan niya at nagme-memorize ng script at walang kinakausap kundi yung script niya. Kaya sabi ko, noong panahon na yun, sinabi ko na 'to, na sana, kung merong mga artistang baguhan o pumapasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila yung attitude ni Piolo,” kuwento pa ng Diamond Star.

Sa presscon pa rin ng The Heiress ay ibinahagi naman ni McCoy ang hindi niya makakalimutang experience habang katrabaho ang award-winning actress.

“Suwerte ko kaya nagpapasalamat ako sa Diyos at siyempre sa Regal na na-consider po nila ako kaya ang experience na 'to, hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

“May time na pawis na pawis ako kasi laging naka-jacket yung karakter ko. Pawisan yung likod ko. Nagulat ako dahil biglang nandiyan na siya sa likod ko. Si Inay Marya, naglagay ng bimpo sa likod ko. Sobrang nagulat ako.

“Parang napakasuwerte ko na artista na naging nanay ko mismo sa set si Inay Marya. Yung bimpo niya, nandiyan sa akin, hindi ko nilalabhan. Nakatabi lang sa akin,” natatawa niyang kuwento.

Ayon naman kay Janella, na-star struck siya kay Maricel nung finally makasama na niya ito sa shooting ng The Heiress.

Reaksyon ni Janella, “At first, sobrang na-star struck ako sa kanya. And then, sabi niya sa akin, ‘Huwag kang ma-star struck. Kailangan may sarili kang ano.’ So yon, naging comfortable na ako sa set with her and she’s really nice.”

Ang The Heiress ay ipapalabas simula November 27. The film is produced by Regal Entertainment and directed by Frasco Mortiz.