Vhong Navarro, plano na rin bang magpakasal?

‘May plano naman,’ matipid na sinagot ni Vhong Navarro tungkol sa pagpapakasal asa 11-years niya nang girlfriend.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/15/2019 11:39 AM
Vhong Navarro, plano na rin bang magpakasal?


Pinatuloy ng It's Showtime host na si Vhong Navarro ang mga momshie hosts sa kaniyang van, para sa episode ng Magandang Buhay nitong Huwebes, November 14. Dito ipinakita ni Vhong ang mga laman ng kaniyang van, kasama ang isang unan na niregalo sa kaniya ni Anne Curtis.

Nang tinanong naman tungkol sa kaniyang love life, sinabi ni Vhong na may halos labing-isang taon na sila ng kaniyang girlfriend na si Tanya Bautista.

"May plano naman," ito ang matipid na sagot ni Vhong nang tanungin siya ni momshie host Karla Estrada tungkol sa kaniyang plano magpakasal.

Sa parehong episode din ay nag-iwan si Vhong ng mensahe matapos alalahanin ang mga pagsubok na pinagdaanan.

EXCLUSIVE: Pia Wurtzbach denies movie with Vhong Navarro is not pushing through: ‘It is just a delay’

"Basta ako naniniwala ako na kung nasa tama ka, diretso lang ang daan mo. Kahit palubak-lubak pa 'yan. Hihinto ka, babagsak ka, kailangan diretso lang, kasi hindi ka pwedeng mag-U-turn e. Kasi yun ang path ng buhay mo e," ani Vhong.