• Home
  • Fresh Scoops
  • Jin Macapagal, sasabak sa kanyang unang acting role sa pelikula

Jin Macapagal, sasabak sa kanyang unang acting role sa pelikula

Bagong bersyon at atake sa classic Jose Rizal novel na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang mapapanood sa Damaso movie na all-star cast ang produksyon.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/15/2019 11:19 AM
Jin Macapagal, sasabak sa kanyang unang acting role sa pelikula


Bagong bersyon at atake sa classic Jose Rizal novel na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang mapapanood sa Damaso movie na all-star cast ang produksyon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Brooding Playing as Crisostomo Ibarra for the movie Damaso. Malapit na po! 😊 📸: @abbecain

A post shared by Jin | Ultimate Bidaman (@jinmacapagal_) on

 

Kabilang ang mga Kapamilya stars na sina Ejay Falcon bilang Elias at Vina Morales bilang Sisa ay ang Bidaman na si Jin Macapagal bilang Crisostomo Ibarra.

Unang pelikula ni Jin at lead role agad ang naibahagi sa kanya, kaya naman labis daw niyang pinaghahandaan lalo na ang malalim na Tagalog.

“Yun po talaga ang naging struggle ko dahil bilang taga-Cebu po ako ang language po namin ay Bisaya at English din. Pero matagal-tagal na din ako dito sa Manila kaya sinusubukan ko mag-Tagalog araw-araw,” kuwento ni Jin sa PUSH.

Tuloy tuloy na ang acting career ng Bidaman champion kaya naman hindi din niya pinapalagpas ang mga pagkakataon na ito sa kanyang career.

“Ako po ay binigyan ng oportunidad at na grab ko ang opportunity na yun kasi malaki karangalan na gumanap as Crisostomo Ibarra,” sabi pa niya.

At sa kanyang unang pelikula, umaasa si Jin sa mainit na pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang pelikula lalo na ang mga kabataan na dapat ay matuto sa mga aral ng kuwento ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.