• Home
  • Fresh Scoops
  • Ethel Booba, nagtaas ng talent fee matapos manalo sa Tawag Ng Tanghalan

Ethel Booba, nagtaas ng talent fee matapos manalo sa Tawag Ng Tanghalan

Handa na din daw magpakasal si Ethel Booba sa non-showbiz boyfriend niya.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/15/2019 8:54 AM
Ethel Booba, nagtaas ng talent fee matapos manalo sa Tawag Ng Tanghalan


Masayang humarap sa interview ng Tonight With Boy Abunda ang kauna-unahang Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champion na si Ethel Booba nitong Martes, November 12. Dito, muling binalikan ni Ethel ang pagsisimula niya bilang komedyante at pagbuo ng kaniyang pangalang ‘Booba’.

“Doon kasi ako talaga unang [nakilala]. Doon ako ginawan ng character sa sing-a-long [bar]. Yung character ko na kailangan magbobo-bobohan ka, so lahat talaga dapat maliin mo. Mahirap din talaga pero kinagat ng [mga tao],” paliwanag ni Ethel.

Matapos tanghalin bilang kauna-unahang celebrity champion ng singing competition sa It's Showtime, inamin din ni Ethel na nagtaas din siya ng talent fee. Agad naman itong biniro ni Tito Boy at inabutan ng resibo bilang bayad sa kaniyang pag-guest.

READ: Ethel Booba, inaming uminom ng alcohol bago sumalang sa ‘TNT’ stage

Sa parehong interview, naging bukas din ang singer-comedienne sa kaniyang buhay pag-ibig, na ayon sa kaniya ay nahanap na niya ang kaniyang ‘The One’.

“Oo siya na talaga. Ready na nga ako e... Malapit na, [siguro] next year," masayang sagot ni Ethel kay Tito Boy.

Masaya si Ethel sa kaniyang relasyon sa non-showbiz boyfriend niyang si Jesse. Bagamat nakabase sa Boracay dahil sa pinapatakbong negosyo, sinabi ni Ethel na araw-araw silang nagkakausap gamit ang video call.

READ: Ethel Booba wins ‘Tawag ng Tanghalan’

Nitong November 9 ipinanalo ni Ethel ang titulong Celebrity Champion ng Tawag Ng Tanghalan.