Ethel Booba is six months pregnant

Masayang ibinahagi ng comedienne ang balitang ito sa episode ng ‘It’s Showtime’ ngayong Biyernes.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/15/2019 1:19 PM
Ethel Booba is six months pregnant


 

 

Kasunod nang pagkapanalo ng singer comedian na si Ethel Booba bilang unang celebrity grand champion sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime”, isang magandang balita ang ibinahagi ng singer sa kanyang naging pagbisita sa Kapamilya noontime show.

READ: Ethel Booba wins ‘Tawag ng Tanghalan’

“Double celebration, double congratulations to me,” tugon ni Ethel sa “Showtime.”

“Ito na nga! Six months (pregnant),” emosyonal na pahayag ng singer.

Humingi rin ng paumanhin si Ethel sa kanyang tila hindi naging magandang performance.

“Pasensiya na ha, hindi ako makabuga ang sakit talaga ng puson ko,” pahayag pa niya.

Samantala sa naging pagbisita ni Ethel sa “Tonight with Boy Abunda”, inamin niya na masaya ngayon ang kanyang buhay pag-ibig sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.


“Oo siya na talaga,” tugon ni Ethel sa tanong ng TWBA host kung handa na ba siya na mag settle down kasama ni Jessie. “Ready na nga ako e’.”