• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Beauty queen Cindy Miranda, pangarap magkaroon ng best actress award

EXCLUSIVE: Beauty queen Cindy Miranda, pangarap magkaroon ng best actress award

Aminado si Cindy Miranda na ambisyosa siya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/15/2019 11:21 AM
EXCLUSIVE: Beauty queen Cindy Miranda, pangarap magkaroon ng best actress award


Bata pa lang ay buo na sa isip ng beauty queen na si Cindy Miranda na gusto niyang maging artista at mapanood ang sarili na umaarte sa pelikula at telebisyon. Wala nga lang siyang way kung paano ito gagawin.

Sa exclusive interview ng PUSH ay ipinagtapat ng 2013 Binibining Pilipinas Tourism how she started reaching for her dream of becoming an actress.

“Alam mo, hindi ko pinangarap na maging beauty queen nung bata ako. Never akong nakapanood ng Binibining Pilipiinas sa TV at hindi ko nasabi sa mga tao, sa pamilya ko.

“Kasi di ba, nung nag-aaral ka ido-drawing mo kung what do you want to be in the future, ako palaging doctor ang dino-drawing ko kasi yon ang gusto ng dad ko kasi nga may sakit siya, pero he passed away na,” simulang kuwento ng beauty queen.

Patuloy niya, “Hindi ko masabi sa kanila na gusto kong maging aktres. Kasi ang layu-layo. Paano ba ako magiging aktres? I came from Nueva Ecija, probinsyana ako, wala akong koneksyon. Hindi naman aktor ang nanay ko o tatay ko, hindi naman sila politician. Wala kaming kaming kilala, so how can I audition?”

Mabuti na lang daw aynabigyan siya ng pagkakataong sumali sa Binibining Pilipinas at dito na siya nagkaroon ng chance na unti-unting ma-penetrate ang showbiz industry.

Aniya, “Hanggang binigyan ako ng pagkakataon na sumali ng Binibining Pilipinas at nagkaroon ako ng chance na makuha din sa mga serye kahit pag-guesting-guesting lang hanggang dinala ako ng manager ko sa Viva at natutuwa ako na naniwala si Boss Vic (del Rosario) na gusto kong maging aktres.

“Hindi ganun kabilis. I waited for about like two years bago ako nagkaroon ng projects,” kuwento pa niya about her journey.

Sa halos dalawang taon niyang paghihintay para mabigyan ng break ay hindi naman daw siya nawalan ng pag-asa.

“I started working talaga sa TV don sa La Luna Sangre. It was like two years ago lang. Imagine yung years na wala akong ginagawa at walang nangyayari sa buhay ko, yon yung time na binubuo ko yung Cindy Mirandana gusto ko,” she said.

Aminado ang beauty queen turned actress na ambisyosa siya at isa sa goals niya ngayon sa showbiz ay ang magkaroon ng actingaward o maging best actress.

“Oo. Siyempre pinapangarap ko ‘yon,” pagdidiin niya.

“I didn’t want to be a beauty queen lang. Hindi hanggang do’n lang ako. Kasi yung iba, they stop, eto na yon beauty queen na ako, eh, this is forever. No! Sobrang ambisyosa kong tao, sobra – sa lahat ng bagay,” sambit niya.

Naninindigan din si Cindy na hindi niya susukuan ang goal niya at naniniwala siyang maa-achieve niya ito.

“Ito kasi yung natutunan ko sa pag-arte ko, alam kong baguhan pa rin ako, pero wag kang pakiyeme-kiyeme. Maging diretso ka at dapat alam mo yung gusto mong puntahan para makadating ka don,” deklara pa niya.

Samantala, ang Adan na isang erotic film ang magsisilbing launching movie ni Cindy sa Viva Films. Kasama niya sa pelikula si Rhen Escano at ipapalabas ang Adan on November 20 mula sadireksyon ni Roman Perez, Jr.