• Home
  • Fresh Scoops
  • The Voice Kids Grand Champion Vanjoss Bayaban, natupad ang hiling na pauwiin ang ina mula sa ibang bansa

The Voice Kids Grand Champion Vanjoss Bayaban, natupad ang hiling na pauwiin ang ina mula sa ibang bansa

Matagal nang pangarap ng The Voice Kids Season 4 Grand Champion na si Vanjoss Bayaban na patigilin sa pagta-trabaho sa Hong Kong ang kaniyang ina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/14/2019 12:58 PM
The Voice Kids Grand Champion Vanjoss Bayaban, natupad ang hiling na pauwiin ang ina mula sa ibang bansa


Matapos tanghaling bilang Grand Champion ng The Voice Kids Season 4, isang pangarap din ang agad na natupad ni Vanjoss Bayaban. Hindi na muling babalik sa pagiging domestic helper sa Hong Kong ang ina ni Vanjoss na si Evelyn, ayon sa kanilang interview sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, November 13.

"Sobrang saya po kasi natutulungan ko na po yung parents ko. Hindi ko na po pababalikin sa Hong Kong yung mommy ko po. Kasi po gusto ko na magsamasama na kaming family po," pahayag ni Vanjoss.

May mahigit limang taon nang nagta-trabaho bilang OFW (Overseas Filipino Worker) ang ina ni Vanjoss.

"Sobrang happy ako kasi yung iniisip ko noon hanggang matapos sila ng pag-aaral ay mangingibang bansa po ako," ani ng ina.

Panganay sa dalawang magkapatid si Vanjoss. Mula sa kanilang lugar sa Pangasinan, may dalawang kumpetisyon na rin daw ang napanalunan ng 13-year old singer bago ang The Voice Kids Season 4.

"Lagi naman po na kapag nananalo siya sa mga contest, tinatawag niya sa akin na 'Ma, umuwi ka na kasi nanalo po ako,'" kuwento ng ina ni Vanjoss.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming salamat sa pagbahagi ng inyong talento! Ibang klase ang boses ng mga bulilit na 'to! #TheVoiceKidsOnMB

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

READ: Team Sarah’s Vanjoss Bayaban wins ‘The Voice Kids 4’

Samantala sa parehong episode din ng morning talk show, nag-celebrate si Vanjoss ng kaniyang kakatapos lang na kaarawan.