• Home
  • Fresh Scoops
  • Team Silly vs Team Wild: Alin sa dalawang pelikula ng The Gold Squad ang unang ipapalabas?

Team Silly vs Team Wild: Alin sa dalawang pelikula ng The Gold Squad ang unang ipapalabas?

Nagbukas ng Facebook poll ang Dreamscape Entertainment kung alin sa dalawang pelikula ng The Gold Squad ang unang ilalabas—‘Silly Red Shoes’ o ‘Wild Little Love.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/14/2019 12:03 PM
Team Silly vs Team Wild: Alin sa dalawang pelikula ng The Gold Squad ang unang ipapalabas?


Sa isang taon ng Kapamilya online streaming website na iWant, dalawang pelikula ang handog nito na pagbibidahan ng breakthrough love teams na KyCine (Kyle Echarri at Francine Diaz), SethDrea (Seth Fedelin at Andrea Brillantes) o mas kilala bilang barkada team na The Gold Squad.

Sa naganap ng media conference ng Silly Red Shoes at Wild Little Love, nitong Miyerkules, November 13, inanunsyo ang kakaibang mechanics ng iWant kung saan ay nakadepende sa mga fans kung aling pelikula ang unang ipapalabas.

Sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment naka-post ang poll kung saan ang makakakuha ng mas maraming boto hanggang November 22 ang unang ilalabas sa iWant sa November 23.

Sa panayam kay Francine, aminado siya na may pressure sa parehong love teams dahil maituturing itong kumpetisyon.

“Meron po siyempre. Kasi alam ko po na magaling talaga sila, lalo na po si Blythe (Andrea Brillantes) siyempre matagal naman na po siyang artista dito. And siguro po prayers na lang and wala naman po sa akin kung sino mauuna or sino mahuhuli. Support din naman kami sa kanila, and support din naman sila sa amin,” sagot ni Francine.

Panoorin ang mga trailers dito:

Nagsimula ang KyCine at SethDrea sa trending teleserye na Kadenang Ginto. Nitong taon ay nagsimulang bumuo ng kanilang sariling YouTube channel at inumpisahang bansagan bilang The Gold Squad. May mahigit 1.5 million subscribers na ang kanilang channel.