• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Pasabog Queen’ Dionne Monsanto, handa na nga ba magbalik-telebisyon?

‘Pasabog Queen’ Dionne Monsanto, handa na nga ba magbalik-telebisyon?

Huling tumatatak sa Kapamilya series na ‘Tubig at Langis” si Dionne Monsanto kung saan binansagan siya bilang Pasabog Queen.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/14/2019 12:23 PM
‘Pasabog Queen’ Dionne Monsanto, handa na nga ba magbalik-telebisyon?


Markado si Dionne Monsanto bilang reyna nang mga pasabog sa telebisyon sa hit Kapamilya series noon na Tubig at Langis.

At sa mga nakaka-miss kay Dionne sa ganitong mga papel, tila handa na muli siya sa kanyang pagbabalik bilang kontrabida sa telebisyon.

“I miss doing TV.  I’m available next year kasi mag-December na, busy na sa Christmas, but sana teleserye ulit I’m available next year,” sabi pa ni Dionne sa naganap na Guess Jeans event.

Aniya, may mga offers na rin siyang mga pinalagpas dahil sa demand ng mga ito sa oras.

“Ang hirap kasi ng schedule, ‘yun ang parati ko tinatanong, they have to give me like months kung kailan natin gagawin ito so,” ani Dionne.

At bilang markado sa mga karakter, di rin daw malilimutan ni Dionne na effective siya sa kontrabida na base sa mga nakakapanood sa kanya.

“I’ve experienced so many times na kinukurot ako sa mall, minumura ako sa mall, natapik na ako yung mga ganyan. Ngayon it’s much better pero people still think that I’m maldita in real life,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, umaasa ai Dionne na muli siyang maging bahagi ng isang Kapamilya teleserye para muli niyang mai pakita ang husay niya sa pag-arte.