• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli, sinabing may kakaibang atake ang pelikulang Pedro Penduko

Matteo Guidicelli, sinabing may kakaibang atake ang pelikulang Pedro Penduko

Ayon sa bagong Pedro Penduko na si Matteo Guidicelli, bukod sa mas ‘modernong’ atake ng pelikula, Filipino Martial Arts ang magiging basehan ng mga fighting scenes dito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/14/2019 12:09 PM
Matteo Guidicelli, sinabing may kakaibang atake ang pelikulang Pedro Penduko


Photo credit: @matteog IG

Tuluy-tuloy ang paghahanda ng Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli sa kaniyang bagong pagbibidahang pelikula, bilang Pedro Penduko. Sa interview niya sa PUSH Bets Live, ibinahagi ng aktor ang mga ginagawang training bago pa man magsimula ang pagshu-shoot.

"Two months ago nag-umpisa na yung trainings namin with fight director and stunt coordinator/choreographer si coach Sonny Sison. So nag-ensayo na kami ng FMA (Filipino Martial Arts), iba't-ibang street fighting... We tried to make it all comfortable and be ready for the shooting days mismo," kuwento ni Matteo.

Mula sa direktor na si Jason Paul Laxamana, magkakaroon ng modernong atake ang pagsasapelikula ng nasabing komiks character, at mananatili ang pinagmulang Visayan culture ni Pedro Penduko.

"The fights here are very, very different. We have a new team, we're working with a new fresh team. We're featuring Filipino Martial Arts, so it will be interesting hindi lang normal fights ‘to, we're featuring and focusing on the traditional fighting style of the Filipino," proud na sabi ni Matteo.

READ: Jason Paul Laxamana, ihahanda ang bagong twist sa Pedro Penduko

Naniniwala rin si Matteo sa kahalagahan ng muling pagbuhay sa mga orihinal na pinoy komiks characters tulad ni Pedro Penduko at Darna.

"Films like these, Pedro Penduko, Darna, etc, all of these, just represent the Filipino culture and make us proud as a Filipino, that's very important," paliwanag niya.

Panoorin ang buong interview dito:

Sa ngayon, aabangan ang susunod na anunsyo kung sino-sino pang mga artista at karakter na makakasama sa naturang pelikula. Nakatakdang ilabas ang Pedro Penduko sa susunod na taon.