Kapamilya stars, humanga sa bagong look ni Julia Montes

Hindi lang ang kanyang mga taga-suporta kundi maging ang kanyang kapwa Kapamilya stars ay humanga sa bagong look ng nagbabalik na aktres na si Julia Montes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/14/2019 2:38 PM
Kapamilya stars, humanga sa bagong look ni Julia Montes


Photo credit: @therealangellocsin, @montesjulia08, @missizacalzado and @senorita_jessy IG

Hindi lang ang kanyang mga taga-suporta kundi maging ang kanyang kapwa Kapamilya stars ay humanga sa bagong look ng nagbabalik na aktres na si Julia Montes.

Nitong Miyerkules, bumuhos ang papuri sa Asintado star matapos nitong mag-post sa Instagram ng kanyang unang retrato mula nang magbalik ito sa Pilipinas matapos ang halos isang taong paninirahan umano sa Germany kasama ang kanyang pamilya.

Kuha ang nasabing retrato sa kanyang pagbisita sa isang branch ng sikat na dental clinic na Gan Advanced Osseointegration Center o GAOC Dental.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you GAOC family ❤️😁 @gaocdental

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

 

Kabilang sa nagkomento at humanga sa ganda ni Julia ay sina Angel Locsin, Claudine Barretto, Iza Calzado, at Jessy Mendiola.