• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joem Bascon admits being a Piolo Pascual lookalike helped him a lot to penetrate showbiz

EXCLUSIVE: Joem Bascon admits being a Piolo Pascual lookalike helped him a lot to penetrate showbiz

Joem Bascon also says being a lookalike has its disadvantages too.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/14/2019 11:52 AM
EXCLUSIVE: Joem Bascon admits being a Piolo Pascual lookalike helped him a lot to penetrate showbiz


Nagsimula sa showbiz industry si Joem Bascon bilang Piolo Pascual lookalike bago siya nabigyan ng pagkakataong makaganap ng iba’t ibang roles sa pelikula at telebisyon.

“Kasi yung track naman talaga ng career ko at first was hindi para maging character actor. Gusto namin ng management ko na maging matinee idol sana, pero siyempre, nung tumatagal nahihirapan kami,” simulang kuwento ni Joem sa PUSH.

Patuloy niya, “Kasi nga parang lookalike lang ako ni Piolo, shadow lang niya ako. So mahirap talaga sa simula. So, gumawa kami ng paraan, tumanggap ng character roles and for years yon naman yung naging happy ako kasi to be a character actor is about longevity, eh. Nai-explore ko yung different roles and ngayon nandito pa rin ako.”

After almost 13 years ay leading man na si Joem ng isang mainstream movie – ang The Annulment – ng Regal Entertainment. Leading lady niya naman sa pelikula si Lovi Poe.

Malaki ba ang naitulong ni Piolo Pascual sa kanyang showbiz career?

“Oo naman, nung nag-i-start,” tugon niya.

Pero may disdadvantage din daw ito.

Aniya, “Sobrang ano kasi… may advantage and disadvantage din siya. Yung advantage, talagang napansin, alam mo yon napansin talaga.

“Pero siyempre after, pag nagma-mature ka na, hindi ka puwedeng nandon na lang palagi. Siyempre, gusto mo ring gumawa ng iba, gusto mo ring mapansin ka, yung ikaw mismo. So naghanap ako ng iba pang paraan,” sambit pa ng aktor.

When asked kung may conscious effort ba siya na totally baguhin ang looks niya para mailayo sa hitsura ni Piolo, ani Joem ay wala naman daw.

“Actually, wala naman. Yung conscious effort would be for the character na ginagampanan ko kasi don naman ako nakikita ng tao, don naman ako dyina-judge, kung ano yung ginagawa ko sa trabaho ko,” he said.

Eh, ano ang reaksyon niya kapag sinasabi na hanggang ngayon na kamukha pa rin niya si Piolo.

“Natutuwa pa rin ako siyempre kasi ito yung mga tao dati na nakakaalala sa akin paano ako nag--start ako, so siyempre sino ba namang hindi matutuwa, di ba? Kasi si Piolo yung alam naman natin na idolo ng lahat ng bata.

“Siya yung gusto kong maging ng mga bata – yung galing umarte, yung talino niya sa industriya, bilang businessman at yung pagkatao niya mismo talagang hahangaan mo,” pahayag pa niya.

Palabas na sa mga sinehan ngayon ang The Annulment na idinirek ni Mac Alejandre.