• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Vina Morales shares critical incident that tested her professionalism as an artist

EXCLUSIVE: Vina Morales shares critical incident that tested her professionalism as an artist

Vina Morales, may payo sa mga artists na nabansagang unprofessional

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2019 12:06 PM
EXCLUSIVE: Vina Morales shares critical incident that tested her professionalism as an artist


Kahit nag-apologize na si Morissette Amon sa DZMM radio host at concert producer na si Jobert Sucaldito pagkatapos ng kanyang pagwo-walkout sa concert ni Kiel Alo ay hindi pa rin maiwasang pag-usapan ang epekto ng kanyang ginawa.

Sa pocket presscon para sa musical film na Damaso ay hiningi din namin ang reaksyon ni Vina Morales sa insidente. Si Morissette ay kababayan at kaibigan ni Vina.

“Alam mo, mahirap makisawsaw sa isyu na yan kasi singer din ako, kapwa Bisaya din, di ba, it’s sad na may ganun ang naging sitwasyon at naba-bash din siya, it’s really sad. And also sad din ako sa producer na yung expectations nila hindi nagawa.

“Mahirap din talaga kasing mag-comment diyan but ako kasi sa napagdaanan ko, sa pagmamahal ko sa trabaho, you really just have to be professional kahit pa anong problema.

“Ako rin naman dumaan ako sa madaming problema, my God, before the shows umiiyak pa ako, pero umaakyat pa rin ako ng stage kasi kailangan,” katwiran ng singer-actress na gumaganap bilang Sisa sa Damaso.

Nagbigay pa ng isang halimbawa si Vina kung saan nasubok  daw talaga ang pagiging professional niya bilang performer.

Kuwento niya, “Ako nga di ba, I was pregnant with Ceana, I (still) did my concert. I was three months pregnant and na-i-spotting ako, medicine lang ang iniinom ko pero meron akong kontrata to do a concert with Kuh Ledesma, US tour yon.

“Wala akong magawa, I have to do it, pero dapat bed ridden ako no’n kasi  kailangang nasa ano lang ako kasi nag-i-spotting nga ako no’n, but I have no choice kasi nga may kontrata ako non – yung expectations ng producers, ng mga tao.

 “I did the concert kaya lang, sila naman naintindihan nila na hindi ko kailangang sumayaw. And then minsan, parang feeling mo sumasakit yung tiyan mo ume-exit ako. Sabi ko, ‘Sandali lang ha,’ I need to exit kasi I need to check kung nag-i-spotting ako, sa gilid lang ako ng stage no’n. So after kung i-check at pag wala naman balik ulit ako ng stage, kanta ulit. Ganun talaga, eh, kasi trabaho yan, work is work at kung ano yung ini-expect sa ‘yo kailangan mong gampanan.”

Nagbigay din ng paalala si Vina sa ilang artists not only to Morissette na nasasangkot sa isyu ng pagiging unprofessional.

“Sa any work, any business para magwork out or para mas tumagal ka especially sa show business you just have to be professional and just love your work. Ang iba nga namamatayan kumakanta pa rin. Tulad nga sa atin, ang sinasabi the show must go on, yon talaga.

“I think that’s the best quote sa show business ha—yung the show must go on—maski pa anong problema yan. Pinagdadaanan naman ng lahat yan, pero kailangan mo lang talagang maging propesyonal,” paalala ni Vina.

Samantala, ipapalabas na ang Damaso sa mga sinehan simula November 20. Kasama ni Vina sa pelikula sina Ejay Falcon, Aiko Melendez, Marlo Mortel, Ketchup Eusebio, Jin Macapagal at marami pang iba. The film is directed by Joven Tan and produced by Regis Films. Ang Reality Entertainment naman ang magri-release ng Damaso.