• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Nathalie Hart, aminadong nahihirapan mag-alaga ng anak habang nasa ibang bansa ang partner

EXCLUSIVE: Nathalie Hart, aminadong nahihirapan mag-alaga ng anak habang nasa ibang bansa ang partner

Bumalik mula India si Nathalie Hart dahil nalulungkot ito mag-isa sa bahay minsan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2019 12:15 PM
EXCLUSIVE: Nathalie Hart, aminadong nahihirapan mag-alaga ng anak habang nasa ibang bansa ang partner


Payat at back in shape na si Nathalie Hart nang makita namin siya sa Diamond Golden Awards. Parang hindi siya nanganak dahil mas blooming pa siya ngayon kumpara sa dati niyang itsura.

“Baligtad nga, eh. Feeling ko din kung kailan ako nanganak saka ano… hindi ko alam. Siguro masaya lang ako sa buhay kaya it comes from within, di ba?” natatawa niyang simula sa PUSH.

Five months pa lang daw after she gave birth to a bouncing baby girl ay pumayat na siya.

“Wala akong yaya for six months, ako lang, so kilos sa bahay, kilos sa bata, nagmamadali ako, wala akong oras for myself, yon pa lang nakapayat na sa akin. Nag-breastfeeding din ako for seven months. Sampung buwan na ang anak ko ngayon and seven months of breastfeeding and walang yaya kaya pumayat ako.

“Saka it’s very hard kasi nasa ibang bansa ako, nasa India ako and they don’t speak English, yung mga tao do’n na nagtatrabaho sa ‘yo so mai-stress lang ako pag hahawakan yung bata, huwag na lang, ako na lang.

“Buntis pa lang ako namimili na ako ng pagkain, maarte ako. Nung nanganak ako hindi rin ako masyadong kumakain ng kanin, puro gulay, yung gulay ang ginawa kong kanin.”

Hindi kasamang umuwi ni Nathalie sa Pinas ang partner niya dahil nag-aaral daw ito sa India.

“Siya kasi may ginagawa siya don. And when you study in masters, napaka-serious nila do’n, eh, yung business kaya I decided to comeback kesa naghihintay lang ako na wala akong ginagawa. And I don’t have friends there, sa bansang yon, and I don’t speak the language so nakaka-stress talaga yon.

“I came back kasi gusto ko ng help. Gusto ko yung may nakakasama akong gumagawa sa bahay and thank God nakahanap naman ako,” paliwanag pa niya.

Eh, kumusta naman ang motherhood at pagiging ina kay Penelope?

“Motherhood? Mahirap pala. Sobrang hirap kasi yung tatay ng anak ko wala dito, nag-aaral kasi. So, ako lang nag-aasikaso sa anak ko. Pero okey naman, wala namang problema. Since, ngayong meron din akong trabaho paminsan-minsan at siya naman tinatapos niya yung masters niya, don muna siya.

“Ayoko naman do’n kasi mag-isa lang ako sa bahay. Anong gagawin ko do’n? Nakakalungkot din naman yon kaya I decided to come back,” sagot sa amin ni Nathalie.

Ibinahagi din niya kung ano ang naranasan niyang hirap sa pagigig first time mom.

Aniya, “Ang pinakamahirap sa first time nanay is yung idya-juggle mo yung oras mo, sobrang hirap. Pag gising ko pa lang hindi na about me, it’s about another person na. Yung buhay mo dati ibang-iba na talaga ngayon.

“Ngayon, 10 (p.m.) pa lang kailangan nasa bahay ka na. Antok na ako ng mga 9 or 10 ng gabi. Eh, di ba alam mo naman sa trabaho natin madaling araw na tayong nakakauwi. Dati mga 1 a.m. inaantok pa lang ako, so very different lifestyle talaga.”

Kasama si Nathalie sa digital film ng iWant na Barbara Reimagined. Meron din siyang isa pang pelikulang ipalalabas kasama sina Ricky Davao at Diether Ocampo.