• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz, ibinahagi ang paghahanda ng anak na si Angelina sa pagsabak nito sa pag-arte

Sunshine Cruz, ibinahagi ang paghahanda ng anak na si Angelina sa pagsabak nito sa pag-arte

Ibinahagi ni Sunshine Cruz kung paano niya ginagabayan ang anak na si Angelina sa pagsabak nito sa pinaka-unang pagbibidahang pelikula.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/12/2019 2:04 PM
Sunshine Cruz, ibinahagi ang paghahanda ng anak na si Angelina sa pagsabak nito sa pag-arte


Photo credit: @angelinaisabele and @sunshinecruz718 IG

Proud na ibinahagi ng The Heiress actress na si Sunshine Cruz ang nalalapit na pagsabak ng kaniyang panganak na si Angelina Cruz sa pag-arte. Ayon sa aktres, kasalukuyan nang nagwo-workshop si Angelina bilang parte ng paghahanda nito.

"Ang ginagawa niya ngayon madalas siyang nanonood ng mga Tagalog films. Sinasabi ko sa kaniya, 'Anak tingnan mo yan sila Kathryn Bernardo, napakagaling. Tingnan mo yan sila Liza Soberano yung emosyon nila kung papaano,'" kuwento ni Sunshine sa interview sa PUSH Bets Live.

Nitong Hulyo ay pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN Films si Angelina. Una siyang sasabak sa romantic movie na One Friend kung saan ay makakapareha niya ang bagong aktor din na si Bryce Ramos.

Sa parehong interview, dinepensahan ni Sunshine ang mga nagsasabing naging daan ang pagiging anak-ng-artista si Angelina kaya nakapasok sa showbiz.

"Nag-audition [siya]... Baka kasi akala ng iba na just because anak siya ng artista kaya nakapasok [sa ABS-CBN Films], hindi po. Nag-audition po ang anak ko at pinaghirapan niya po 'yan. Sinabi pa nga niya sa akin kung ano ang mga pinagawa sa kaniya, at umakting po talaga siya," paliwanag ni Sunshine.

 

 

READ: Angelina Cruz, bibida sa kaniyang kauna-unahang pelikula, ang One Friend

LOOK: Angelina Cruz’s 18th birthday celebration

Panoorin ang two-part interview ni Sunshine dito:

Si Angelina ang panganay sa tatlong anak ni Sunshine sa dati nitong asawa na si Cesar Montano. Nitong September lang din ay nagdiwang ng kaniyang ika-18 na kaarawan si Angelina kasama ang pamilya at mga kaibigan.