Kylie Verzosa, balik Japan para sa Miss International 2019

Si Kylie ay isa sa mga backstage hosts ng sikat na beauty pageant sa Japan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/12/2019 3:06 PM
Kylie Verzosa, balik Japan para sa Miss International 2019


Photo credit: @kylieverzosa IG

Isa si 2016 Miss International Kylie Verzosa sa espesyal na bisita ng 59th Edition ng Miss International beauty pageant.

Ang Pinay beauty queen ang isa sa mga backstage hosts ng pageant na gaganapin ngayong November 12 sa Tokyo Dome, Tokyo City, Japan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kylie ang kanyang backstage look ilang oras bago ang pagsisimula ng pageant.

 

 

“Backstage madness and nostalgia here at Miss International. I can feel the tension in the air. Wish your girls the best and send them your love and energy,” sabi niya sa caption ng kanyang photo. 

Si Bea Patricia Magtanong ang pambato ng Pilipinas ngayong taon sa prestihiyosong Miss International pageant.