Jason Dy, plano ipagpatuloy ang pagsasayaw?

Mainit na pinagusapan kamakailan sa social media ang biglaang paghataw ng Team Sarah sa victory party ng The Voice Kids.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/12/2019 1:35 PM
Jason Dy, plano ipagpatuloy ang pagsasayaw?


Photo credit: @jasondy IG

Mainit na pinagusapan kamakailan sa social media ang biglaang paghataw ng Team Sarah sa victory party ng The Voice Kids.

Bukod kay Coach Sarah Geronimo, napansin rin ang hataw sa pagsasayaw ni Jason Dy na nakilala bilang isa sa mga produkto ng Team Sarah.

PANOORIN: Sarah Geronimo, nagsayaw kasama ang ‘Team Sarah’

“Paalis na yata si Sarah noon eh medyo late na uwian na tapos pinatugtog ng DJ yung ‘Tala,’ tapos hinila namin si Sarah. Sabi namin, ‘Ops, ops sayaw muna,’ ganun ganun” masayang kuwento ni Jason.

Ayon pa sa singer, requirements sa Team Sarah na alam dapat ang steps ng “Tala” at sa mga hindi raw nakakaalam, dancer daw muna noon si Jason bago naging singer.

“Nasayaw na kasi namin dati kaya alam pa namin ang steps so ayun nagkasayawan. Yung mga iba sinabi nagulat sila. ‘Di nila ini-expect na sumasayaw pala ako. Actually nung sa high school pa di pa ako kumakanta, dancer na po talaga ako,” sabi pa ni Jason.

At kung may pumupuri, mayroon din negative comments sa pagsasayaw ni Jason na hindi naman siya affected.

“Okay lang wala naman akong... bahala sila sa buhay nila (laughs). Pero ayun, katuwaan lang naman po. Sayaw sayaw lang kami,” pahayag pa ni Jason.

Nakilala man bilang balladeer, aminado rin si Jason na namimiss din niya ang pagsasayaw.