Former Miss USA Olivia Jordan, ikinasal na

Ikinasal na nitong November 11 ang Miss USA 2015 at matalik na kaibigan ni Pia Wurtzbach na si Olivia Jordan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/12/2019 10:53 AM
Former Miss USA Olivia Jordan, ikinasal na


Photo credit: @theoliviajordan IG

Bagong journey bilang may asawa ngayon ang ibinahagi ng 2015 Miss Universe first runner-up na si Olivia Jordan. Ikinasal siya nitong November 11 sa Palm Springs, California sa kanyang long-time boyfriend na si Jay Hector. 

Sa kanyang Instagram post, masayang ibinahagi ni Olivia ang kanyang special day kasama ang mister na si Jay.

 

 

Si Olivia ang binansagan na “Pambansang BFF” dahil sa pagiging roommate nito at malapit na kaibigan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. 

Mas naging close pa si Olivia at Pia kasabay ng naging pagdaraos ng 2016 Miss Universe pageant dito sa Pilipinas.

Hindi man nakadalo si Pia dahil sa kanyang trabaho at kasalukuyang nasa Thailand, nagpaabot naman ito ng mensahe para sa kanyang best friend.