Concert producer, may payo kay Morissette Amon

Kasunod nang pag-walkout ni Morissette Amon sa isang concert, nagbigay payo ang concert producer na si Joed Serrano sa singer.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/12/2019 1:24 PM
Concert producer, may payo kay Morissette Amon


Kasunod nang pag-walkout ni Morissette Amon sa isang concert, nagbigay payo ang concert producer na si Joed Serrano sa singer.

READ: Morissette Amon, nag-walk out sa isang concert

“I’d like to understand the situation, pero sana, naisip rin niya ‘yung sitwasyon noong nag-imbita sa kanya, kasi kawawa rin ‘yung producer,” tugon ni Joed sa naging panayam ng press sa pocket presscon ng kanyang upcoming concert para kay Engelbert Humperdink.

Aniya, bilang isang producer, nakasalalay ang credibilidad nila sa lahat nang pangyayari at naiintindihan niya ang naging sentimyento ng mga ang ito.

“Kasi ‘yung credibility nung producer is at stake e, baka wala nang maniwala and for Mother Jobert [Sucaldito] who’s in the business for so many years, yung credibility niya importante sa kanya ‘yun as a journalist and as a producer,” paliwanag pa ng dating aktor at producer na ngayon.

Kasunod nang pangyayari, naniniwala rin si Joed na maaring maka-apekto rin ito sa upcoming shows at performances ni Morissette.

“Itong nangyari sa kanya ngayon, sana maging leksyon sa kanya as a performer, maaring ito rin ang ikasira niya. So para sa akin bilang producer na sana ipinanintindi niya on both sides na ‘Pasensya po I cannot perform,’” aniya.

Higit sa lahat, isa si Joed sa mga umaasa na maging maayos rin ang naging gusot sa pagitan ni Morissette at concert producer na si Jobert.

“Dahil nangyari na rin naman yan at tapos na wala namang masama maging humble, ‘you just have to apologize, in public kasi napahiya mo rin si Mother Jobert, so apologize. And ang gawin mo kung paano ka makakabawi kay Mother Jobert,”  pahayag pa ni Joed.

READ: Regine Velasquez, may mensahe kay Morissette Amon

Sa ngayon, tinututukan ni Joed ang kanyang upcoming show para sa Iconic singer na si Engelbert Humperdink na gaganapin ngayong November 12 sa New Frontier theater ng Araneta City, Cubao.