• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘It’s Showtime’ hosts react to Anne Curtis’s pregnancy: ‘Honestly nag-iyakan kami!’

‘It’s Showtime’ hosts react to Anne Curtis’s pregnancy: ‘Honestly nag-iyakan kami!’

Karylle, Vhong Navarro, and Jhong Hilario share their first reaction after their co-host’s big reveal last weekend.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/11/2019 10:17 AM
‘It’s Showtime’ hosts react to Anne Curtis’s pregnancy: ‘Honestly nag-iyakan kami!’


One day before announcing her pregnancy on social media, Anne Curtis revealed to her It’s Showtime family that she was expecting her first baby. In an interview with One Music PH posted on their YouTube channel, Anne’s co-hosts Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario and Anne’s former onscreen partner Luis Manzano share their thoughts on the good news.  

Vhong Navarro 

“Siyempre alam na rin namin. Sobrang na-shock kami, nagulat kami, siyempre natutuwa kami dahil kumbaga magkakaroon sila ng extension ng family na madadagdagan sila. At kami, hindi lang naman si Anne pati si Mariel di ba?, so kumbaga suwerte ang baby eh. Ang sarap niyan na merong baby. Kumbaga eto na talaga yung pagiging buong pamilya nila. Happy (ako) kay Anne at kay Erwan, sana gumawa pa kayo (laughs).”

Karylle

“Siyempre nasabi na rin niya sa amin. We are just happy that it’s out in the open and everyone can pray for the safe delivery. And also for Mariel because Mariel is going to give birth anytime soon.”

Jhong Hilario

“I’m sure sobrang saya  nilang lahat. Lalo na si Erwan kasi siyempre bilang isang lalake,ang gusto mo maging tatay, maging mabuting asawa. And kami as a Showtime family, yun din ang inaano namin, lagi namin tinatanong, ‘O kailan na ba?’ Pero ngayon na na-surprise kami na meron na pala. Honestly nag-iyakan kami. Ang tagal na naming magkakasama and siyempre gusto rin namin na yung pagmamahalan nilang dalawa ni Erwan ay magkaroon ng bunga at eto na nga nangyari na. So sobrang saya namin para sa kanila and I’m sure sila Anne and Erwan doble-doble yung saya.”

Luis Manzano

“I’m very, very happy for them. Not just because yung sinasabi natin na time is catching up, but feeling ko buong buo ang pag-iibigan nila ni Erwan. Na kumbaga definitely the next step would be having a beautiful child.”