EXCLUSIVE: Sunshine Cruz, handa na bang muling magpakasal?

Aminado naman si Sunshine Cruz na napaguusapan na nila ni Macky Mathay ang ‘next level’ ng kanilang relasyon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/11/2019 10:02 AM
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz, handa na bang muling magpakasal?


Photo credit: @sunshinecruz718 IG

Bagama’t aminadong napag-uusapan na ang ‘next level’ ng kaniyang relasyon sa kasalukuyang nobyo na si Macky Mathay, sinabi ni Sunshine Cruz na hindi pa siya handa sa muling pagpapakasal. Sa interview ng PUSH kay Sunshine na inilabas nitong Huwebes, November 7, ipinaliwanag niya ang personal niyang dahilan.

“Kasi I just got annulled last February, officially annulled this February... Okay naman kami for now, sa kung anong meron kami. Hindi kami nagmamadali, we have our jobs na kailangan naming mag-focus. So in God's perfect time,” paliwanag ni Sunshine.

Dagdag na biro niya, maaaring hindi pa siya pumayag kung biglaang mag-propose sa kaniya si Macky ngayon.

“But for now, of course andun yung napag-uusapan namin pero sabi ko nga, I’m not ready yet. He's even joking na what if I propose, I’ll say no. Sabi niya, ‘I’ll find a way for you to say yes.” biro ni Sunshine.

May mahigit tatlong taon nang magkasintahan si Sunshine at Macky. Nitong August naging usap-usapan ang singsing na namataan sa kamay ni Sunshine, na agad pinaghinalaang engagement ring na niya ito.

 

 

READ: Is Sunshine Cruz wearing an engagement ring?

Samantala, sa parehong interview din ay inalala ni Sunshine ang pagbansag sa kanya bilang ‘Basted Queen’ noon, dahil sa pagtanggi niya di umano sa mga artistang nanliligaw sa kaniya.

“Hindi ko alam kung matutuwa ako sa bansag na ‘yon. Pero ako kasi I believe na if that person is not really meant for you, kahit anong pilit natin hindi talaga mangyayari,” natatawang sabi ni Sunshine.

Binasag din ni Sunshine ang mga nagsasabing ‘kaartehan’ lang niya iyon kaya’t wala siyang sinasagot na manliligaw.

“Kaya talaga yung mga manliligaw, kahit ang ga-gwapo, sikat na sikat sila ng mga panahon nila --sabi nga sa akin ng iba, ang arte-arte ko daw, ‘yan tuloy napunta ka sa mali. Sabi ko, I don't believe na mali, kasi nagkaroon ako ng tatlong magagandang anak,” paliwanag ng aktres na tinutukoy ang dati niyang asawa na si Cesar Montano.

Panoorin ang two-part interview kay Sunshine dito:

Aabangan si Sunshine sa bagong horror movie na The Heiress, na ipapalabas sa November 27.