Arjo Atayde, pinagselosan nga ba si Carlo Aquino?

Summary: Magkasama ngayon si Arjo Atayde at Carlo Aquino sa bagong iWant series na “Bagman.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/11/2019 3:44 PM
Arjo Atayde, pinagselosan nga ba si Carlo Aquino?


Handang handa na ang aktor na si Arjo Atayde para sa kanyang pagbabalik sa iWant original series na “Bagman.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#Bagman new season streaming this Nov 13 on @iwantofficial 💼🔫👊

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

 

Dito, makakasama ni Arjo ang kapwa aktor na si Carlo Aquino, na nakasama rin ng kanyang rumored girlfriend na si Maine Mendoza sa pelikulang “Isa Pa With Feelings.”

Dahil dito, hindi naiwasan na maitanong kay Arjo kung ano ang kanyang masasabi sa naging chemistry ni Carlo at Maine  sa kanilang naging pelikula.

“More proud, proud with each other, very proud of her also and that’s one of her best performances. I’m really happy,” tugon pa ni Arjo sa naging panayam sa kanya.

“She improved so well,” papuri ng aktor kay Maine.

Dito, hindi rin naiwasan na maitanong kay Arjo bilang espesyal kay Maine, kung nakaramdam ba siya ng selos sa ilang eksena ng pelikula kabilang na ang kissing scene ng dalawa.

READ:Arjo Atayde dedicates PMPC Award to Maine Mendoza

“Hindi po. I watched it as a human being, I’m a guy. I don’t want it, I don’t want to see it but it’s part of work,” ani Arjo.

“Bakit ako magseselos? I don’t think any person will be okay with your girl kissing another guy pero it’s part of our work, sabi ko kay Maine, it’s part of our work,” paliwanag pa ng aktor.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#IPWF 📸 by @joshenvahnlee

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

 

At kung tatanungin naman kung ano ang sikreto ng kanilang mas matibay na relasyon ni Maine, para kay Arjo: “Happy , very happy and we just never stop enjoying each other’s company and I could never enough of her I think. “How it should be, but it’s how it should be,” pahayag ng aktor.