• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, ipinaliwanag kung bakit piniling isikreto muna ang kanyang pagbubuntis

Anne Curtis, ipinaliwanag kung bakit piniling isikreto muna ang kanyang pagbubuntis

Naging emosyonal ang aktres-host na si Anne Curtis nang pormal niyang inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa It’s Showtime nitong Lunes, Nobyembre 11.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/11/2019 3:09 PM
Anne Curtis, ipinaliwanag kung bakit piniling isikreto muna ang kanyang pagbubuntis


Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres-host na si Anne Curtis nang pormal niyang inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa It’s Showtime nitong Lunes, Nobyembre 11.

“Lalo nang magiging espesyal ang November sa akin because I’m happy to announce that Erwan and I are expecting. I’m pregnant... Magiging mommy na ako!” ani Anne sa opening remarks ng noontime show kung saan present din ang kanyang supportive mom na si Carmen Curtis-Smith.

“Erwan (Heussaff) and I are very, very happy. Again, maraming, maraming salamat to everyone. The overflowing love talaga na we received after announcing yesterday... Maraming salamat for the love, madlang people, na binigay ninyo yesterday sa akin, sa asawa kong si Erwan, and for my little one,” dagdag niya.

Linggo, Nobyembre 10, nang ibinalita ng celebrity couple ang limang buwang pagdadalang tao ni Anne sa pamamagitan ng isang maikling video kung saan ipinakita nito sa unang pagkakataon ang kanyang baby bump.

Ayon naman sa kapwa host na si Vhong, magkahalong saya at kaba ang naramdaman ng kanyang It’s Showtime family nang ibinalita ni Anne ang kanyang pagbubuntis.

“Noong binanggit sa atin ni Anne ‘yun, una siyempre tuwang tuwa tayong lahat. Pero nagkahalo ng kaba dahil noong ‘Magpasikat Week’, kung anu-ano pa 'yung ginawa mo,” ani Vhong. “Pero ‘di ba sinabi mo na chine-check mo naman, na nagtatanong ka sa doctor mo, kung safe naman.”

“At safe na safe naman,” sagot ni Anne, na inaming tanging ang kanyang trainer ang nakakaalam ng kanyang pagbubuntis noong mga panahong iyon.

Ipinaliwanag naman ni Anne kung bakit pinili muna nila ni Erwan na isikreto ang kanyang pagbubuntis.

“We wanted to keep the baby for us muna. It was really such a nice journey. Medyo nahirapan din kami noong una, kung paano ko ba hindi maipapahalata. Pero ang galing din kasi hindi rin siya muna nagpakita masyado. Pero it was nice just to share with Erwan and I. It was our little secret,” aniya.

“Now, we were ready to share it with the whole world. Kaya ayan, nagpapakita na talaga siya.”

Sumang-ayon naman ang kanyang kapwa hosts na noon pa man ay nagpapakita na ng senyales si Anne ng kanyang pagdadalang tao.

Samantala, masaya si Anne na i-celebrate ang panibagong milestone ng kanyang buhay kasama ang kanyang It’s Showtime family at ang “madlang people.”

Aniya, “Ang saya lang kasi ‘di ba we celebrated 10 years so ang dami ng nangyari sa 10 years ng buhay ko sa Showtime. From being single, nagkaroon ng boyfriend, nagkaroon ng asawa. And now, as we celebrate our 11th year in Showtime... I’m now going to be a mom. I’m just so happy to share it with you my Showtime family and of course the madlang people.”