O movie, nag-R-18 dahil daw sa ilang eksena ni Anna Luna

Wala panghihinayang ang dalawang lead stars na sina Jasmine Curtis Smith at Sarah Carlos, sa kabila ng natanggap na R-18 ng kanilang bagong pelikuna na O.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/10/2019 11:20 AM
O movie, nag-R-18 dahil daw sa ilang eksena ni Anna Luna


Photo credit: @annajluna (L) & omoviec1 (R) IG

Ibinahagi ng dalawa sa mga lead stars ng pelikulang O, na sina Jasmine Curtis Smith at Sarah Carlos ang dahilan kung bakit nakakuha ng markang R-18 ang kanilang entry sa Cinema One Originals Film Festival.

Sa interview ng press nitong Biyernes, November 8, sa Gala Night ng O, sinabi ng dalawang aktres na mula sa ilang eksena ni Anna Luna ang ilang maseselan at sensitibong parte ng pelikula.

"I think hindi talaga nag-hold back si Direk Kevin with how wanted to really portray the language, pati na rin yung mga eksena na ginawa mostly ni Anna. So 'yon," paliwanag ni Jasmine.

Paglilinaw naman ni Sarah, hindi tungkol sa maseselang bahagi ng katawang ng babae ang pagiging maselan ng mga naturang eksena.

"It's not that type of R-18, it's more of like how --yung message, yung content. Hindi siya hubaran or anything. Yung content ng mismong eksena, medyo confronting," ani Sarah.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

⭕️ by @knivedytria. #CinemaOneOriginals2019 😵😮😲

A post shared by Anna Luna (@annajluna) on

Inamin din ng dalawa na wala namang panghihinayang sa kanila ang nakuhang marka mula sa Movie and Television Review and Classification Board.

"I belive yung audience na rin na na-capture ng Cinema One in general parang very open naman sila and I think last year yung ginawa ko rin is R-18, so parang I'm comfortable naman na there's an audience with these types of film. And hindi naman siya ipapasa kung walang confidence ang mga Cinema One heads natin," sabi ni Jasmine.


Celebrities at film producers, present sa Cinema One Originals opening night

Tungkol sa magkakapatid na mga bampira sa kasalukuyang panahon ang pelikulang O. Ginaganapan ito nila Jasmine, Sarah, at Lauren Young, habang isang medical staff naman si Anna.

Isa ang O sa walong pelikula ng taunang Cinema One Originals Film Festival. Mapapanood ang O sa mga sinehan hanggang November 17.