• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera, planong ilayo sa social media si Zia at Ziggy

Marian Rivera, planong ilayo sa social media si Zia at Ziggy

Nais ni Marian Rivera na magkaroon ng normal na buhay ang kanyang mga anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/10/2019 12:24 PM
Marian Rivera, planong ilayo sa social media si Zia at Ziggy


Photo credit: @marianrivera IG

Aminado ang aktres na si Marian Rivera na bilang isang Ina, nais niyang maging normal na mga bata ang kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.

 

 
 
 
 
 

 

 
 
 
 
 

 

 
 
 
 
 

Kasunod ito nang makakuha ng atensyon ang mga anak ni Marian at Dingdong sa social media, na isa ngayon sa mga most followed celebrity kids sa social media.

Ayon kay Marian, aware sa situation si Zia.

“Si Zia kasi ang tipo ng bata na mature na mag-isip kaya nag-usap kami ni Dong na at a certain age niya, puputulin namin lahat ng social media niya,” sabi pa ni Marian sa naganap na contract renewal niya sa Beautederm corporation.

Dagdag pa ni Marian, “Gusto rin kasi namin maramdaman niya ‘yung pagiging normal.”

At bilang nanay, gusto rin ng aktres na magawa ng kanyang mga anak ang normal na buhay na malayo sa showbiz na kanilang ginagalawan ngayon.

“Ngayon 'pag lumaki siya, at nakapag-decide siya na ‘Mom, Dad, I wanna be an artist,’ hahayaan namin siya pero gusto namin na maging normal siya at makapag-aral siya ng normal na tao siya sa eskuwelahan niya,” ani aktres.

Pagbibiro pa ni Marian, dumarating na ang pagkakataon na ang mga anak nila na ang hinahanap ng mga tao.

“Hindi naman siguro, pero tanungin niyo rin ang asawa ko. Basta gusto namin maging normal siya, kasi ngayon hindi siya normal parang mas pinagkakaguluhan pa siya kaysa sa amin, parang deadma na kami ni Dong,” masayang tugon ni Marian.