• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gallo on being ‘The next James Reid’: I think no one could be him again

Marco Gallo on being ‘The next James Reid’: I think no one could be him again

Marco Gallo is open to having a love team partner again.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/1/2019 11:00 AM
Marco Gallo on being ‘The next James Reid’: I think no one could be him again


Sa pagpirma ng kontrata ng dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Marco Gallo sa Viva ay marami ang nag-a-assume na gagawin ng kompanya ang pagbi-build-up sa kanya tulad sa ginawa nila noon kay James Reid na kamakailan lang ay nagpa-release na sa Viva.

Pero ayon kay Marco, ayaw niyang i-entertain ang idea na siya ang “the next James Reid” ng Viva.

Wika pa niya, “I think no one could be him again. I just wish I could prove myself na lang by my own work, creating my own name step by step, paghihirapan ko naman po yon.”

Ayaw din ba niyang mai-compare sa ka-love team ni Nadine Lustre?

“Hindi naman. Ang ano ko lang naman po sana ay maintindihan nila na mahirap maabot ang na-achieve ni James at sobrang hirap. Malayung-malayo pa yon,” katwiran niya.

“Kung suswertehin, sana magustuhan ng tao yung gagawing project ko sa Viva na pinag-uusapan namin ngayon, kung tatanggapin ng tao yon, eh, di mabuti. Pero ako naman at yung Viva po, willing po kami to work on my craft and I’m already doing a lot of workshops now,” sambit pa niya.

Nakakadagdag ba ng pressure kapag marami ang nag-i-expect na magiging big star siya tulad ni James?

“Yeah, actually a lot of pressure,” sagot niya.

“Having the thought that everyone is counting on me now, especially Edward (Barber), sobrang nakaka-pressure yon. The other day he was chatting me, he saw about the Viva post, pagkatapos sabi niya, ‘Bro, galingan mo nasa ‘yo na yan.’

“I would be really happy having the opportunities that he had. But that would take a lot of hard work, presence of mind any time, any day because you’re a public figure, so if you do something wrong one day then you messed up all your chances. So I wish I could have the presence of mind and the hard work that he had,” lahad ni Marco.

Handa ba siyang magkaroon ng love team sa Viva after sa na-experience niya sa former ka-love team na si Kisses Delavin?

“I do! Look at Maymay (Entrata) and Edward, look at every star in the Philippines became famous because it,” pahayag niya.

“And then, there’s a saying that two heads are better than one and having the chance of working with someone you get close to them even if hindi kayo maging dyowa but having someone close to your heart that’s a good thing. I mean, no man is an island,” sabi ulit ng binata.

Eh, sino naman ang gusto niyang maka-love team?

“I don’t know. Okay lang naman sa akin kahit sino. Basta yon nga, sabi ko na dapat tutok siya sa trabaho at walang iniisip na ibang kalokohan pag nasa set.”

Looking forward din daw siya to work with Nadine in the future.

“I’m an amateur and working with someone like Nadine, she’s been in this industry for so long, I’m going to be so nervous but I would be very happy if it happens,” huling pahayag ni Marco sa PUSH.