Julia Montes, binati si Coco Martin sa kanyang kaarawan

Nagparamdam muli si Julia Montes sa social media sa kaarawan ng aktor na si Coco Martin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/1/2019 9:05 AM
Julia Montes, binati si Coco Martin sa kanyang kaarawan


Photo credit: @mr.cocomartin and @montesjulia08 IG

Bihira magpost ang aktres na si Julia Montes sa kanyang social media simula nang magpahinga ito sa limelight noong isang taon. 

READ: Back in Manila? Julia Montes reportedly spotted at a supermarket in San Juan

Kaya naman ikinagulat ng marami nang magpost ito ng isang simpleng birthday greeting sa dating ka-love team at patuloy na nili-link sa kanya na si Coco Martin. 

38 na ang FPJ's Ang Probinsyano star ngayong November 1. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HBD 😘🎂

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

 

Kamakailan lang ay naging usap-usapan din ang pagbabalik Pilipinas ni Julia sa bansa. Matagal din kasing namalagi ang aktres sa Germany, kung saan naka base ang kanyang ama na si Martin Schnittka. 

PHOTOS: Ganito ka-simple ang buhay ngayon ni Julia Montes sa Germany

Marami na rin kasi ang nanabik sa pagbabalik ni Julia sa pag-arte dahil huli siyang napanood sa teleseryeng Asintado, na natapos isang taon na ang nakakalipas.