• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis-Smith denies rumored breakup with boyfriend Jeff Ortega

Jasmine Curtis-Smith denies rumored breakup with boyfriend Jeff Ortega

Parehong busy lang sina Jasmine Curtis-Smith at kanyang boyfriend sa kani-kanilang mga trabaho.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/1/2019 10:49 AM
Jasmine Curtis-Smith denies rumored breakup with boyfriend Jeff Ortega


Photo credit: @jascurtissmith IG

Itinanggi ni Jasmine Curtis-Smith ang balitang nagkakaproblema sila ng businessman boyfriend na si Jeff Ortega na naging dahilan daw para muntik na silang mag-break.

“Naku, huwag naman. Ayoko ng breakup, knock on wood!” gulat niyang reaksyon.

“No, hindi totoo yon. Happy kami ni Jeff. Well, siyempre may mga… ano lang, naninibago lang siya sa industriya (ng showbiz), siyempre kung paano ang pamamalakad. Kasi nga biglang busy, tatlo ang pelikula tapos may teleserye, tapos may ganito, so nagugulat lang siya na hindi kami halos nagkikita,” paglilinaw ng aktres na bida sa pelikulang Cara X Jagger ng APT Entertainment at Cignal TV.

Hindi rin daw totoo na madalas magselos ang kanyang boyfriend na karelasyon na niya for almost four years.

“Wala. I guess natutunan niya na rin na it’s just work and he knows na walang dapat ikabahala,” sabi pa niya.

Patuloy ni Jasmine, “Since siya din ngayon sobrang busy niya naghahanap na lang kami ng kung kailan magtutugma yung schedule namin. Kadalasan sa gabi, dinner or late dinner, sa umaga naman kung kakayanin bago pumasok sa trabaho.

“Tina-try talaga namin kahit hirap kami pareho na makahanap ng schedule.”

Isa daw sa dahilan ng pagiging busy ng kanyang boyfriend nowadays ay dahil kinuha ito ng DOT (Department of Tourism) bilang regional director of Region IV-A.

“Sobrang proud ako sa kanya and he’s really loving what’s he’s doing kaya sobrang busy din niya. Nung businessman pa lang siya nagagawan niya ng paraan na ma-adjust yung schedule niya for me but since it’s not just his business anymore, it’s the Department of Tourism hindi niya na yon magawa kasi nga public servant na siya.

“So as much as possible, learning din naman yon for me to understand that sa kanya and sa kung ano naman yung patutunguhan ng kanyang hard work do’n,” lahad pa niya.

Eh, ano naman ang naitutulong niya sa BF bilang Tourism regional director?

“Wala pa akong naitutulong. Hindi pa ako first lady. Hahaha!” natatawa niyang sagot.

“Siguro kapag may mga ano lang siya, tulad ngayon he’s part of the planning for the SEA Games, so pag may ganyang mga bagay he’ll share what he can at kung anong puwede niyang ibahagi sa akin and kung gusto niyang makipag-brainstorm, manghingi ng konting ideas itsa-chat niya ako or makikipag-usap siya sa akin para kung meron man akong ideas maibibigay ko. Kasi maano din ako, eh, ‘Oh, parang ito mas maganda,’ nagsa-suggest ako, so yon,” kuwento pa ni Jasmine.