• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities reveal who they miss the most during All Soul’s Day

Celebrities reveal who they miss the most during All Soul’s Day

Karla Estrada, Melai Cantiveros, and more share who they remember during November 1.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/1/2019 10:12 AM
Celebrities reveal who they miss the most during All Soul’s Day


Photo credit: @mrandmrsfrancisco IG

It is time once again to reflect and remember the dearly departed.

Melai Cantiveros

“Siyempre na-mi-miss ko yung lola ko na namayapa na rin at saka si lolo. Noon ang ginagawa namin sa sementeryo pero malayo na nga kami sa Gensan kaya siguro magtitirik na lang kami ng kandila sa mga malalaking cross.”

Karla Estrada

“Yung lahi namin mga bampira so wala pang namamatay sa amin (laughs). Loko lang. Wala kaming sementaryo dito sa Manila, nasa Tacloban. So pagka Undas, yung family ko na nandito sa Manila sa bahay lang kami, nag-aalay lang kami ng dasal para sa mga loved ones na namayapa na.”

McCoy De Leon

“Sa kagawian na namin ng pamilya ko na bumisita sa mga lolo at lola ko sa tuhod sa mother at father’s side ko din. Gathering din ng buong pamilya namin yun kaya kumpleto. Siyempre pinaka-na-mi-miss ko yung lolo ko kasi recent lang siya nawala last year. Siya yung lolo ko sa father’s side. Kasi malapit ako sa lolo ko na yun eh. Ako yung favorite niya na apo. Ako yung first apo niya. Iba yung closeness namin ng lolo ko sa father’s side namin.”

Jolina Magdangal

“Noong bata ako nagpupunta talaga kami sa sementeryo pero parang natigil na rin yun nung parang sobrang dami ng tao na talaga tapos nagiging traffic na. Pero hindi namin nakakalimutan na either before or after kami pupunta. Hindi lang kami sumasabay. Pero meron ng nauuna para maglinis tapos tapos kung kelan na lang. Pero hindi namin nakakalimutan. Yung pinajka na-mi-miss ko yung lola ko kasi siya yung pinakahuli lang na sumakabilang buhay.”