• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, binuking sina Jhong Hilario at Vhong Navarro na parehong nanligaw noon kay Judy Ann Santos

Vice Ganda, binuking sina Jhong Hilario at Vhong Navarro na parehong nanligaw noon kay Judy Ann Santos

Jhong Hilario at Vhong Navarro, natawa na lang nang mabuko na nanligaw sa Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/9/2019 2:16 PM
Vice Ganda, binuking sina Jhong Hilario at Vhong Navarro na parehong nanligaw noon kay Judy Ann Santos


“Past is past, pare!” natatawang sagot nila Jhong Hilario at Vhong Navarro, matapos mabuking ni Vice Ganda na dati silang nanligaw at na-basted kay Judy Ann Santos.

Sa episode ng It's Showtime noong Lunes, October 7, biglang naging topic ng usapan si Judy Ann Santos nang banggitin ng isang Tawag Ng Tanghalan contestant ang dating teleserye na kinabilangan niya, ang Pieta. Ayon sa contestant, nakasama niya noon sa serye si Vice Ganda, at bida dito si Ryan Agoncillo, na asawa ni Juday.

“Si Ryan Agoncillo ang bida doon, diba? Yung asawa ni Judy Ann. Niligawan dati ni Vhong at ni Jhong tapos nag-away sila. Pero pareho lang naman kayong na-basted, 'di ba?” biro ni Vice.

Panoorin ang buong video dito:

Balik primetime naman si Judy Ann sa kanyang pinaka bagong TV series sa ABS-CBN, ang Starla.