• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gutierrez sa pagiging hands-on ng ina na si Annabelle Rama sa kaniyang kasal: ‘Very good ang intentions siya’

Richard Gutierrez sa pagiging hands-on ng ina na si Annabelle Rama sa kaniyang kasal: ‘Very good ang intentions siya’

Nagpapasalamat sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa pagiging hands-on ng ina ng aktor na si Annabelle Rama sa preparasyon ng kanilang darating na kasal.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/9/2019 11:27 AM
Richard Gutierrez sa pagiging hands-on ng ina na si Annabelle Rama sa kaniyang kasal: ‘Very good ang intentions siya’


Photo credit: @annabelleramaig IG

Parehas na excited na raw ang mga magulang nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa darating na kasal nila sa March 2020. Ayon kay Sarah, bilang nagmula sa mga magulang na relihiyoso at tradisyunal, mahalaga sa kanila ang naturang selebrasyon.

"Very happy, siyempre kasi matagal na nilang hinihintay ito. As an only girl, having a Muslim father and Christian mom, they're very religious and traditional so eto lang talaga yung hinihintay nilang mangyari so they're very very happy and excited na rin," kuwento ni Sarah sa press nitong Linggo, October 6.

Para naman sa side ng soon-to-be husband na si Richard, inamin ng dalawa na hands-on si Annabelle Rama sa preparasyon nila sa kasal.

"We'll try to meet halfway, siyempre good intentions din naman si Tita. Sabi nga namin, mag-renewal of vows sila ni Tito Eddie," pahayag ni Sarah.

"We wanted to thank our mom kasi very hands on siya dito, and very good intentions siya when it comes to our wedding. Yun talaga ang forte niya," sabi naman ni Richard na binirong may sariling guest list daw ang ina sa kanilang kasal.

 

 

READ: Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inalala ang mga pinagdaanan noon: ‘Our relationship was tested’

Inanunsyo nitong Linggo lang ng dalawa ang inaabangang pagpapakasal nila. Sa ngayon, unti-unti daw nilang ilalabas sa publiko ang ilang detalye sa pag-guest nila sa iba't-ibang Kapamilya shows.