McCoy de Leon, may negosyo na

McCoy de Leon says he is doing this for his family.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/9/2019 12:29 PM
McCoy de Leon, may negosyo na


Photo credit: @hashtag_mccoydl IG

Masayang ibinalita ng Hashtags member na si McCoy de Leon na nakapagpundar na siya para magkanegosyo at ngayon ay nakapag-franchise na siya ng lugawan.

 

 

Ipinuwesto naman ng dancer-actor ang kanyang negosyo sa Dapitan street na katapat ng University of Santo Tomas. Sa Instagram ay kanyang sinabi na hindi niya raw akalaing magkakanegosyo siya ngunit nabago ito dahil na rin sa mga inspirasyon niya.

“Hindi ko akalain sa buong buhay ko magkakaroon ako ng negosyo pero dahil sa inspirasyon ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko nabuo ang isang pangarap na to,” ani McCoy.

“Sana masamahan niyo po ako sa panibagong matutunan ko sa larangan ng buhay at gabayan niyo po sana ako Panginoon,” dagdag pa niya.

Kaagad naman siyang binati ng mga katrabaho sa showbiz at ng kanyang mga taga-suporta online.