• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: 2019 Miss Globe Philippines Leren Bautista stuns in her National Costume

LOOK: 2019 Miss Globe Philippines Leren Bautista stuns in her National Costume

Kasalukuyan ngayong nasa Tirana, Albania ang pambato ng Pilipinas sa 2019 Miss Globe beauty pageant na si Leren Mae Bautista.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/9/2019 12:38 PM
LOOK: 2019 Miss Globe Philippines Leren Bautista stuns in her National Costume


Photo credit: @bbpilipinasofficial IG

Kasalukuyan ngayong nasa Tirana, Albania ang pambato ng Pilipinas sa 2019 Miss Globe beauty pageant na si Leren Mae Bautista.

Palaban kung ilarawan ngayon ng pageant fans si Leren na nagniningning sa kanyang mga kasuotan sa naging laban.

Isa na dito ang National costume ng Pinay beauty na likha ng Filipino fashion designer na si Chico Estiva.

Sa mga opisyal na kuha ng Binibining Pilipinas Instagram, pinuri nito ang makulay at eleganteng national costume ni Leren na inspirado sa Maranao Princess.

 

 

Detalyado ang kasuotan ng Pinay beauty na naka base sa makulay na kultura ng Maranao.

Sa darating na October 22, kokoronahan ang bagong Miss Globe 2019.