EXCLUSIVE: Sarah Geronimo, walang rason para magpaka-diva

Naniniwala si Sarah Geronimo na ‘kahit sino naman, walang namang rason mag-diva-divahan.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/9/2019 11:20 AM
EXCLUSIVE: Sarah Geronimo, walang rason para magpaka-diva


Photo credit: @popstudioph IG

Masayang ikinuwento sa amin ni Sarah Geronimo sa isang one-on-one interview during the mediacon of the film Unforgettable na hindi siya nahirapan sa mga eksena nila ng asong si Milo habang sinusyuting ang pelikulang idinirek nina Direk Perci Intalan at Jun Lana na showing na sa October 23 mula sa Viva Films and IdeaFirst Company.

“Hindi po ako nahirapan,” wika pa niya. “Willing nga po akong mag-kissing scene kami ni Milo kaya lang strict yata si Kuya Tristan, yung parent niya, so, hindi natuloy. Hahaha!” biro pa niya na natatawa.

Wala ba siyang napansin na nagkaroon ng sumpong ang aso while they’re doing some scenes?

Kuwento ni Sarah, “Surprisingly, hindi rin siya nagkakaroon ng tantrums sa set. Very professional po siya na dog actor. Hahaha!”

Eh, kumusta naman bilang director niya sa Unforgettable sina Direk Perci at Direk Jun?

“Masuwerte po ako kasi nandiyan silang dalawa talaga para umalalay sa akin, sa mg eksena po namin, especially pag may mga heavy scenes, talagang tulungan po sila ni Direk Perci at Direk Jun,” sagot ni Sarah.

“And I also had yung acting coach na gumabay po talaga sa akin. Ever since Miss Granny meron po akong coach at yon yung kinapapalagayan ko po ng loob kasi talaga merong gumagabay sa akin kung tama ba yung ginagawa ko.

“Kailangan, eh. Ako po, for me, kasi I’m doing a film na ako po yung talagang nagdadala, so importante po na meron talagang gumagabay sa akin,” lahad pa ng singer-actress.

Binanggit namin kay Sarah ang mga papuri sa kanya ng isa sa kanyang co-stars niya sa Unforgettable na si Ara Mina pagdating sa hindi pagiging pa-diva niya sa set ng pelikula na ikinatuwa naman ng dalaga.

“Wala po naman kasing rason talaga na magpa-diva. Actually, kahit sino naman, walang namang rason mag-diva-divahan,” giit niya.

“Meron ka lang rason kapag ka, halimbawa, may bagay na hindi ka kumportableng gawin. You just have to be honest, to be open about it, di ba? Hindi naman pagdi-diva yon, eh.

“You just have to be honest all the time, meron laging polite na way of speaking out, di ba po?” huling pahayag ni Sarah G. sa PUSH.