• Home
  • Fresh Scoops
  • Chie Filomeno, may sagot nga ba sa pasaring ni Dawn Chang sa ‘Showtime’?

Chie Filomeno, may sagot nga ba sa pasaring ni Dawn Chang sa ‘Showtime’?

Tila hindi pa rin tapos ang iringan nina Dawn Chang at Chie Filomeno.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/9/2019 12:47 PM
Chie Filomeno, may sagot nga ba sa pasaring ni Dawn Chang sa ‘Showtime’?


Photo credit: @chiefilomeno and @thedawnchang IG

Kasunod ng makahulugang, 'Hindi tayo puwedeng puro aura' na pahayag ng dating miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang sa It’s Showtime, tila agad namang nagbigay ng kanyang sagot ang isa sa mga miyembro ng grupo na si Chie Filomeno.

WATCH: Dawn Chang, itinuro kay Vice Ganda ang steps ng trending performance ng grupong GT!

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng kasalukuyang miyembro ng GirlTrends ang isang video ng kanyang tila pag-eensayo para sa inihahandang dance number.

"All set. Don’t let people stop you from doing what you love most. Do what you need to do to make you happy. Eeeh Eeeeh Eeeeee mo lang sila. Hahaha char!" caption ni Chie sa post.

 

 

Matatandaan na isa si Chie sa mga miyembro ng GirlTrends na nag-viral dahil sa tila hindi nila pagkakasabay-sabay sa isang performance sa It’s Showtime.

Sa naging panayam noon kay Chie sa Tonight With Boy Abunda inamin niya na isa si Dawn sa mga naka-iringan niya sa kanilang grupo.

Samantalang Agosto nitong taon nang nagdesisyon si Dawn na tuluyan na niyang iiwan ang GirlTrends kasunod ng napabalitang hindi pagkakaunaawan.

READ: Dawn Chang on why she left GT: ‘I am supposed to share my talent and entertain’