• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla to play as a military sniper in ‘Mañanita’

Bela Padilla to play as a military sniper in ‘Mañanita’

Mahirap ang role na ginagampanan ni Bela Padilla sa pelikulang “Mananita” na idinirek at produce ni Paul Soriano.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/8/2019 3:04 PM
Bela Padilla to play as a military sniper in ‘Mañanita’


Photo credit: @bela IG

Mahirap ang role na ginagampanan ni Bela Padilla sa pelikulang “Mañanita” na idinirek at produce ni Paul Soriano.

Dito gumanap si Bela bilang isang sundalo kaya’t kailangan dumaan sa matinding research at immersion bago isalang sa mga eksena.

“We have good and talented soldiers in the Philippines. I don’t want to let them down so I did train the team of Mananita and direk Paul accompany me personally when I trained so I can assemble a rifle in a minute,” ani Bela sa panayam.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A film by Paul Soriano written by Lav Diaz for @ten17p and @viva_films 😊 #Mañanita

A post shared by Bela Padilla (@bela) on

 

Sa panulat ng award-winning film maker na si Lav Diaz, maririnig din ang ilang classic OPM songs sa kahabaan ng pelikula na ayon sa direktor ay kumain ng malaking bahagi sa budget ng proyekto.

“A lot of the budget went in the music. There’s also original songs basically I choose sings base on the lyrics they were saying something edilberta is going thru,” paliwanag ni Direk Paul.

Pansin rin ang kakaibang look ni Bela sa kanyang papel. Ayon sa aktres, muntik na niyang hindi makilala ang sarili habang nasa shoot.

“May mga moment ako sa tent na kapag napapatingin ako sa salamin nagugulat ako, may ibang tao  sa salamin, pero ako rin pala ‘yun so kapag 4AM ang call time medyo nasa-shock ako,” masayang pahayag ni Bela.

Ipapalabas ang Mañanita Sa 2019 Tokyo International Film Festival at wish ng produksyon na makapag bigay ng karangalan rin sila sa Pilipinas.