• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza on Arjo Atayde: ‘He accepts me for who I am and who I am not’

Maine Mendoza on Arjo Atayde: ‘He accepts me for who I am and who I am not’

Naging emosyonal din si Maine Mendoza dahil sa sorpresang bisita sa Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/8/2019 12:52 PM
Maine Mendoza on Arjo Atayde: ‘He accepts me for who I am and who I am not’


Hindi napigilang maging emosyonal ng Isa Pa With Feelings lead actress na si Maine Mendoza sa pagbisita niya sa Magandang Buhay nitong Martes, October 8. Dito, sinorpresa siya ng kapatid na si Coleen at ikinuwento ng aktres ang huling pag-uusap nila tungkol sa pinagdadaanan niya kamakailan.

"Kasi last time sa kaniya ako nag-vent ng mga nararamdaman ko. Basta 'yung mga dinaramdam ko sa loob [ko na] hindi ko na lang napipigilan, e hindi rin naman kami sanay na nagsasabihan ng mga problema. So parang sa sobrang hindi ko na kinaya sa kaniya ko na sinabi," pahayag ni Maine.

Ayon kay Coleen, may mahigit isang buwan nang hindi sila nagkakaroon ng bonding ng kapatid dahil sa sobrang pagiging busy nito.

Matapos amining mahiyain at isang introvert sa totoong buhay, sinabi ni Maine na pagdating sa buhay pag-ibig ay mas expressive naman siya kaysa sa kaniyang pamilya.

"Wala na rin akong hiya, tanggap niya (Arjo Atayde) ako e. He accepts me for who I am and who I am not. Ang laking bagay no'n at para gawin niya yon, parang talagang mawawalan na ako ng hiya na i-express kung ano ako," paliwanag ni Maine.

Dagdag ni Maine, naging tama rin na mas outgoing si Arjo kaysa sa kaniya.

"Okay siya kasi siya yung laging nag-i-initiate kapag [nasa] groups [kami]. Outspoken kasi siya at makulit siya, kahit kanino kaya niyang makihalubilo, which is hindi ko kayang gawin..." kuwento ng aktres sa mga momshie hosts.

READ: Maine Mendoza reveals Arjo Atayde is the first man she has introduced to her parents

READ: Arjo to Maine: ‘Happy birthday to my main’

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My reason for being. Happy birthday to my main. ❤️

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

 

Nitong January 2019 unang inamin ni Arjo sa publiko ang 'exclusively dating' status nila ni Maine. Dahil sa matinding bashing na natatanggap mula sa mga hardcore fans, pinili ni Arjo na maging tahimik sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon.

Bida si Maine sa Isa Pa With Feelings na mapapanood sa October 16. Makakatambal niya rito si Carlo Aquino, na dinirek ni Prime Cruz, at sa ilalim ng Black Sheep Productions.