• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, inaming malaking bahagi ng buhay niya si Arjo Atayde

Maine Mendoza, inaming malaking bahagi ng buhay niya si Arjo Atayde

Bagamat tipid ang sagot, inamin ni Maine Mendoza na espesyal si Arjo Atayde para sa kanya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/8/2019 12:30 PM
Maine Mendoza, inaming malaking bahagi ng buhay niya si Arjo Atayde


Photo credit: @arjoatayde IG

Sa kauna-unahang panahon ay nagpunta sa programang Tonight with Boy Abunda si Maine Mendoza at tinawag niyang ‘surreal’ ang kanyang experience dahil hindi makapaniwala ang aktres.

Sa Twitter ay kanyang sinabi na “Never thought I’d have the opportunity to be here — EVER! Achievement unlocked ma-experience ang fast talk ni Tito Boy.”

 

 

Sa programa ay tinanong naman ng host na si Boy Abunda kung gaano kalaking bahagi si Arjo Atayde sa buhay niya. Usap-usapan kasi sa social media ang kanilang namumuong relasyon. Bagamat tipid lamang ang sagot, inamin naman niyang importante ang aktor at sinabing, “Malaking bahagi [ng kaligayahan] po.”

Kasama naman ni Maine sa Tonight with Boy Abunda ang kanyang Isa Pa with Feelings co-star na si Carlo Aquino. Dito ay inamin din ni Maine na naging crush niya talaga si Carlo.

“Sino ba naman ang hindi gustong magka-picture with the Carlo Aquino? Hindi lang fan, kung hindi naging crush din talaga kita,” aniya.

Para kay Carlo, hindi naman daw siya makapaniwala dahil malaki ang kanilang age gap.

“Grabe naman, 10 years lang!” sabi ni Maine kay Carlo.

Ipapalabas na sa October 16 ang kanilang pelikula.