• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, nagbigay reaksyon tungkol sa pagpapareha sa kaniya kay Alexa Ilacad

Joshua Garcia, nagbigay reaksyon tungkol sa pagpapareha sa kaniya kay Alexa Ilacad

Ayon kay Joshua Garcia, napag-uusapan at napagtatawanan na lang nila ni Alexa Ilacad ang pagpapareha sa kanilang dalawa ng ilang mga netizens.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/8/2019 3:30 PM
Joshua Garcia, nagbigay reaksyon tungkol sa pagpapareha sa kaniya kay Alexa Ilacad


Photo credit: @alexailacad on Instagram (R)

Nagbigay ng reaksyon ang The Killer Bride actor na si Joshua Garcia sa pagpapareha sa kaniya sa co-star niyang si Alexa Ilacad. Ayon sa aktor, napansin na nila ni Alexa ang panunukso ng ilang netizens sa kanila sa social media.

"Actually may nakikita akong mga tweet about sa [amin], and sinabi ko sa kaniya, 'alam mo bang pinagti-tripan tayo sa Twitter, na sinasabi na tayo' so kami pinagtatawanan na lang namin, kami ni Janella. Close lang [kami]," paliwanag ni Joshua sa interview ng press nitong Linggo sa selebrasyon ng kaniyang birthday.

Dagdag pa ni Joshua, nagkasama na sila ni Alexa noon sa seryeng The Good Son, kaya't hindi na sila ilang sa isa't-isa.

"Oo ang hirap naman kasi na basta ka lang sasalang doon, wala man lang interaction doon sa tao di ba? 'Yung doon kay Alexa, wala 'yon. Kayo talaga ang dudumi ng iniisip niyo," natatawang sabi ni Joshua.

Nang kinamusta ang kaniyang love life, sinabi ni Joshua na hindi niya muna pokus ito.

"Hindi ko na siguro nararamdaman sa dami na ng nagagawa ko, and ayoko na muna mag-focus sa love life.

"Kasi sabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa relasyon ay matutunan ko munang mahalin yung sarili ko. Kumbaga kailangan ko munang ma-master yung sarili ko bago yung iba," pagpapatuloy ng aktor.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#TheKillerBrideSOS tonight! 🆘🔪👰🏻

A post shared by Alexa Ilacad (@alexailacad) on

 

Masayang nag-celebrate si Joshua ng kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang Tropang Joshua Fans Club sa Jollibee nitong Linggo.

"Good health lang para sa akin, kasi ang daming blessings, ang daming binibigay ng Panginoon, gusto ko lang ay good health para ma-trabaho ko 'yung trabaho na binibigay Niya," wish ni Joshua na ngayon ay 22 taong gulang na.

Mapapanood pa rin si Joshua sa The Killer Bride, gabi-gabi sa Primetime Bida.