Ion Perez, present sa kaarawan ng ina ni Vice Ganda

Mukhang nagkakamabutihan na talaga sina Vice Ganda at kasamahan sa It’s Showtime na si Ion Perez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/8/2019 3:43 PM
Ion Perez, present sa kaarawan ng ina ni Vice Ganda


Photo credit: @praybeytbenjamin IG

Mas lalo pa ngayong tumindi ang usap usapan na tila pagmamabutihan na umano ni It's Showtime host Vice Ganda at kasamahan sa show na si Ion Perez.

Kasunod ito ng naging Instagram story ni Vice kung saan kasama si Ion sa simpleng salo-salo ng pamilya para sa kaarawan ng ina ng Kapamilya host na si Rosario Viceral.

Video credit @praybeytbenjamin IG

WATCH: Vice Ganda, inaming ‘espesyal’ sa kanya si Ion Perez

Matatandaan na kamakailan lang din, pinag-usapan na ang naging pagkikita ng mga magulang ng Kapamilya host at ni Ion.

READ: Vice Ganda meets Ion Perez’s family 

Sa huling panayam kay Vice, hindi niya itinanggi na espesyal sa kanya si Ion, na isa ito sa mga nakakapagpasaya, nagpapangiti at nagpapakilig sa kanya ngayon.