• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inalala ang mga pinagdaanan noon: ‘Our relationship was tested’

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inalala ang mga pinagdaanan noon: ‘Our relationship was tested’

Muling inalala ng soon-to-be-married couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang mga pinagdaanan noong panahong pribado pa ang estado ng kanilang relasyon at nasa ibang bansa ang aktres.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/7/2019 9:59 AM
Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inalala ang mga pinagdaanan noon: ‘Our relationship was tested’


Kasabay ng kanilang anunsyo sa press tungkol sa kanilang kasal na magaganap sa March 2020, muling inalala ng Kapamilya couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, ang pinagdaanang isyu noong nasa pribado at malayo sa mata ng publiko ang estado ng kanilang relasyon.

"Well, nahirapan naman talaga ako, isipin mo at such a young age, ang dami [kong] pino-problema, instead of just thinking about raising a healthy beautiful boy," pag-amin ni Sarah sa press nang tanungin tungkol sa kaniyang unang pagbubuntis sa Switzerland, habang may nakalatag na kaso laban sa kaniyang dating mother network at management.

Taong 2013 nang mapabalita ang isyung legal sa pagitan ng panig ni Sarah at ng dating management at mother network nito. Kasabay ng nasabing isyu ay ang desisyong pag-alis ni Sarah ng bansa na di umano ay pagsimula na rin niya ng pribadong buhay at unang pagbubuntis.

Isang taon ang nakalipas, ipinakilala nila Sarah at Richard ang kanilang isang taong gulang anak na si Zion. Paliwanag ng pamilya Gutierrez, ang dahilan ng desisyong paghiwalay nila kay Sarah sa mata ng publiko ay para protektahan ang anak nito sa kontrobersiya.

"I'm also very blessed and very lucky na hindi ako nag-iisa while I was going through that 'cause I had Chard, my parents, I had his family, I had my friends in Switzerland, so mas mahirap siguro talaga kung ako lang yung mag-isa na pinagdaanan ko 'yun," dagdag ni Sarah sa naganap na press conference nitong Linggo, October 6.

Pagpapatuloy naman ni Richard, kahit na malayo at nasa ibang bansa si Sarah, nananatili ang kanilang komunikasyon para kumustahin at siguruhing maayos ang pagbubuntis niya noon.

"Physically I was here and she was there but every day we would talk to each other, every day we would communicate. And maraming hindi nakakaalam during that time nagpapaalam ako doon sa teleserye ko... for four days or five days, para pumunta ako ng Switzerland, and then babalik ako dito," kuwento ni Richard.

"During our relationship we really had hard times, we were tested, our relationship was tested. At the same time, during those hard times in our personal lives and our careers, all we had is each other. There was a time I realized who are my real friends, who are the real people around me, and I needed that in my life, and all of those times si Sarah yung kasama ko. And, we grew together and I'm very thankful for her, during those times until now," pagpapatuloy ng aktor. 

READ: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati announce wedding date

 

 

Sa ngayon, masaya ang dalawa sa pagpaplano ng kanilang pinaka-hihintay na kasal sa March 2020. Hindi pa man binabanggit kung kailan ang eksaktong petsa, unti-unti raw nila itong ibibigay sa publiko sa mga nakahandang pagbisita nila sa iba't-ibang Kapamilya shows.

"We kind of iron a lot of things already. Pero siyempre marami pang kailanga i-finalize. It's not easy pala preparing for our wedding ano? Pero we're happy na maraming tumutulong sa amin, and magaling yung wedding organizer namin. So far okay naman, smooth naman we still have enough time to still iron things out. Pero, parang si Sarah yung mas hands on sa preparation," kuwento ni Richard.