• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Ang kwento sa likod ng YouTube channel ni Alex Gonzaga

PANOORIN: Ang kwento sa likod ng YouTube channel ni Alex Gonzaga

Hindi mapigilang maging emosyonal ni Alex Gonzaga nang inalala niya ang hirap na kanyang pinagdaanan noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/7/2019 2:06 PM
PANOORIN: Ang kwento sa likod ng YouTube channel ni Alex Gonzaga


Photo credit: @cathygonzaga IG

Hindi mapigilang maging emosyonal ni Alex Gonzaga nang inalala niya ang hirap na kanyang pinagdaanan noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Yung feeling mo maganda ka naman.. pero bakit wala ka pa rin jowa? Eto sayo #PleaseLang Music Video. #LinkinmyBio

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

 

Sa episode ng Rated K nitong Linggo, inamin ng 31-year-old star na nakaramdam siya ng matinding takot noong ikinasal ang kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga sa direktor na si Paul Soriano.

Ani Alex, "Noong time na 'yun, naiyak ako kasi kinukumpara ko 'yung sarili ko na, 'Paano na 'ko kapag nawala na ang ate ko?' Hindi na ako magkakaroon ng money. Hindi na ako kikita. Wala ako.

"May mga hints nga sa network ko na parang hindi ako gusto. Paano ako? Ang dami kong haters. Walang may gusto sa akin.  Nakita 'yun ng boyfriend ko (Mikee Morada) na I was crying. Iniisip ko na, 'Anong gagawin ko?' Ang dami kong gustong gawin na nasa isip ko na hindi ko magawa kasi hindi naman ako nabibigyan ng pagkakataon and opportunity."

Taong 2017 nang maisipan niyang bumuo ng kanyang sariling YouTube channel. Para sa kanyang unang vlog, nagbahagi si Alex ng makeup tutorial kasama si Toni, at 'di kalaunan ay naka-tanggap ng mahigit 2 million views para sa nasabing video.

Pag-amin ni Alex, "That time din po, I'm ending my contract in ABS-CBN, and parang wala kaming meeting if they're going to renew... wala. So sabi ko, okay. I'll just be happy with ano... kasi, kung ano man 'yung lumalabas sa akin sa social media, 'yung response nila, sobrang fulfilled ako.

"And inisip ko na na parang ano na... the end of my career in TV. I'm going to focus na on YouTube. So I'm searching the people from YouTube that time and then nakita ko, 'Oh, they're happy!' They're earning monthly. YouTube is giving them money."

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 4.5 milyon na ang subscribers ni Alex.

Aniya, "Nung naging sobrang overwhelming nung response, and then ABS-CBN renewed my contract, mas madaming opportunities  na nagbukas sa akin. So it was never expected po na 'yun 'yung mangyayari sa akin.

"Ang [natutunan ko sa lahat ng 'yun], dapat you do something that you love. Stop thinking about kung ano 'yung iisipin ng ibang tao or kung paano ka kikita. The money will follow if you really love what you're doing."