• Home
  • Fresh Scoops
  • Pageant Camp, muling bubuksan ang pinto para sa future beauty queens

Pageant Camp, muling bubuksan ang pinto para sa future beauty queens

Tatanggap muli ng mga aspiring beauty queens ang pageant training camp na Aces & Queens.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/7/2019 9:54 AM
Pageant Camp, muling bubuksan ang pinto para sa future beauty queens


Photo credit: @aces_and_queens IG

Muling bubuksan ng sikat na pageant camp ang kanilang pintuan para sa aspiring Pinay beauty queens.

Sa Instagram post ng Aces & Queens, pormal na nilang inanunsyo ang muling pagsisimula ng kanilang klase para sa susunod na henerasyon ng beauty queens.

 

 

Ang Aces & Queens ang humasa sa successful Filipina beauty queens tulad nila 2016 Miss International Kylie Verzosa, 2013 Miss World Megan Young at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ilan rin sa mga produkto ng sikat na pageant camp ang mga former Miss Universe Philippines na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon at Ariella Arida.