• Home
  • Fresh Scoops
  • Kuwento ng buhay ni Zephanie Dimaranan, tampok sa sariling music video

Kuwento ng buhay ni Zephanie Dimaranan, tampok sa sariling music video

Hindi inasahan ni Zephanie ang malaking pagbabago sa kanyang buhay matapos ang ‘Idol Philippines.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/7/2019 10:21 AM
Kuwento ng buhay ni Zephanie Dimaranan, tampok sa sariling music video


Sumasalamin sa kanyang sariling karanasan ang kauna-unahang music video ng Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan para sa kanyang awitin na “Pangarap Kong, Pangarap Mo.”

Sa huling panayam ng PUSH kay Zephanie, inamin ng baguhang singer ang malaking pagbabago sa kanyang buhay ngayon.

“Dream come true po talaga ang lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon,” aniya. 

Kasabay sa bagong music video, naitampok rin kamakailan ang kuwento ng singer sa Maalaala Mo Kaya kung saan ginampanan ni Maris Racal ang role na Zephanie.

 

 

Bukod sa kabi-kabilang showbiz commitments, abala rin ngayon si Zephanie bilang isa sa mga bagong mainstay performers sa ASAP Natin ‘To kasama sina ang Tawag ng Tanghalan Season 2 Champion  Janine Berdin at The Voice Kids Season 2 winner na si Elha Nympha.

Panoorin ang kanyang music video dito: